Abante Tonite Interactive

Rice progam ng DA hindi nakumpleto

By
8

Nabigo umano ang Department of Agriculture (DA) na makumpleto nito ang implementasyon ng Rice Program ng kagawaran noong nakaraang taon.

Sa audit report ng Commission on Audit (COA), mayroong halos P400 milyon na pondo para sa Food Staples Sufficiency Program ng DA ang hindi pa rin nagagamit.

Ang naturang halaga ay mula sa kabuuang P7.032 bilyong pondo na inilaan ng Kongreso para sa programa sa taong 2016.

Layon ng Food Staples Sufficiency Program na inilunsad nuong 2011 na mabigyan ng ayuda ang mga magsasaka sa bansa.

Kabilang sa mga tanggapan ng DA na nabigo umanong makumpleto ang kanilang target ay ang Central Office, Bureau of Plant Industry at Regional Field Offices sa Regions II, V, VI.

Partikular na hindi nakumpleto ng DA ay ang rice seeds germination, seed distribution at konstruksyon ng small-scale irrigation at mga diversion dam.