Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rice Tariffication Law pinarepaso sa Kongreso

0 80

Nanawagan ang Federation of Free Farmers (FFF) sa Kongreso na rebyuhin ang Rice Tariffication Law dahil pangalawang taon nang bumabagsak ang presyo ng bigas at nakikita nilang babagsak pa ito ngayong Oktubre at sa Nobyembre kapag panahon na ng anihan.

Ayon sa FFF, naniniguro ang mga trader ngayon at binabarat ang presyo ng palay sa pangambang baka bumaha uli ng imported rice katulad ng nangyari noong nakaraang taon at maipit sila samantalang tuluyan na lang iniiwasan ng ilang trader na magkaproblema at huminto na muna sa pamimili ng palay.

Sabi ni FFF national manager Raul Montemayor, ang Kongreso, partikular na ang Senado, ang may kasalanan kung bakit nahihirapan ngayon ang mga magsasaka at pananagutan nilang itama ang kanilang mali.(Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.