Abante Tonite Interactive

Rice water power

920

‘Wag! ‘Wag munang itapon ‘yang pinaghugasan ng bigas. May mga gamit pa rice water na ‘di inakala.

Noon pa mang sinaunang panahon, itinuturing nang pinakamadaling DIY essential ang rice water ng mga babaeng taga-Asya. Read on lang para malaman ang ilan sa mga ito…

• Facial wash – Sinasabing nagtataglay ito ng antioxidants kasama ng pagkakaroon ng moisturizing at healing properties na mainam sa ating balat. Dahil sa ganitong katangian kaya naman ginagamit ito sa pagsugpo sa acne at sa pagtatanggal ng spots dulot ng pagkakaedad. Puwedeng maghilamos gamit ang rice water o basain ang isang bulak nito at saka ipahid sa mga breakouts sa kutis.

• Hair conditioner – Nagtataglay ng inositol ang bigas na nagpapaibayo ng elasticity ng buhok. May kakayahan rin itong i-repair ang na-damage na buhok at bigyan ito ng proteksyon laban sa pagkasira pa sa hinaharap. May patunay umanong naiiwan ang inositol sa loob ng buhok kahit mabanlawan na kaya’t patuloy ang benepisyong hatid nito sa ating buhok. Basain ang buhok gamit ang rice wash at iwan ito ng ilang minuo bago banlawan ng maligamgam na tubig.

• Remedyo sa sintomas ng diarrhea – Ang mga mineral na taglay ng bigas ay mainam at natural na paraan sa pagpapahupa ng mga sintomas ng diarrhea. Haluan ng isang kurot ng asin ang isang baso ng rice water at inumin dalawang beses sa isangaraw. Gawin ito hanggang sa humupa na ang nararamdamang sintomas.

• Solusyon sa constipation – Sinasabing mainam sa mga hirap makadumi ang rice water dahil nakakapag-stimulate ito ng intestinal movement na siya namang makatutulong para sa regular na pagdumi. Ang pag-inom umano nito nang dalawang baso sa isang araw ay sapat na para makagaan sa constipation. Maaaring ihalo ito sa mga smoothies o inumin nag diretso.

Paggawa ng rice water: Hugasan ang ½ cup ng bigas sa isang basong tubig upang matanggal ang dumi. Isalin ang hinugasang bigas sa isang malukong saka ibabad ang pangalawang banlaw na tubig sa loob ng 15-30 minuto. Masahin nang bahagya ang bigas hanggang lumabo o maging cloudy ang pinagbanlawan. Salain ang bigas at ready to use na rice water. Puwede itong i-store ng hanggang tatlong araw.