Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rich boy galamay ng Mexican cartel

0 1,489

Kinakalkal ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) kung konektado sa kinatatakutang Mexican Sinaloa drug cartel ni El Chapo ang isang mayamang lalaki na dinampot ng mga awtoridad sa Marikina City noong Hunyo 25.

Bukod sa P13 milyong halaga ng mga droga na natuklasan sa sinalakay na condominium unit ng suspek na si Philip Jacob Nocom, nakasamsam din sa kanya ng malalakas na kalibre ng baril at mga bala ang mga operatiba ng NBI Interpol Division na pinamunuan ni head agent Ronald Aguto.

Nadiskubre rin ng mga NBI agent ang mga dokumentong may kinalaman sa Sinaloa drug cartel, kabilang dito ang mga court paper ng isang Horacio Herrera, isang Mexican na pinaniniwalaang miyembro ng naturang sindikato na hinatulan ng local court.

“There were documents about members of the cartel, including court documents of Horacio Herrera,” sabi ng isang NBI insider sa Abante.

Si Herrera ay hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo noong Pebrero 13, 2019 ng Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 63 matapos masakote sa buy-bust operation.

Nakadiskubre rin ng dokumento sa condo unit ni Nocom na nagsasaad na mayroon itong bahay sa San Lorenzo Village, isang pang-mayamang subdivision sa Makati City.

Nalaman din ng NBI Anti-Drugs Task Force na pinamumunuan ni Atty. Jonathan Ross Galicia na dati na rin palang naaresto si Nocom matapos mahulihan ng cocaine at nasangkot sa isang bahay na ginamit bilang shabu laboratory.

“We are trying to find out why is he not in jail. His two cases were all non-bailable offenses,” ani Galicia. (Nancy Carvajal)

Leave A Reply

Your email address will not be published.