Abante Tonite Interactive

Richard ayaw pag-artistahin si Zion

By
3,386

NAALIW kami kay Zion Lahbati na ring bearer noong Sunday sa kasal ng sister-in-law ni Annabelle Rama, si Geraldine kay Homer, dahil feel na feel ng bata ang participation niya roon.

Parang nagmo-model nga si Zion habang naglalakad, kaya tuwang-tuwa sa kanya ang mga sumaksi sa wedding na ‘yon.

And like his famous parents, Richard Gutierrez and Sarah Lahbati, halos lahat ng mga nasa wedding na ‘yon ay gustong magpa-picture kasama si Zion, huh!

Nang matapos ang wedding at katabi namin si Mother Lily Monteverde at Malou Choa-Fagar, dumaan sa gilid namin ang bata, kaya itinuro namin sa kanya ang Regal Entertainment producer ar TAPE, Inc. lady boss at magiliw naman siyang bumati sa dalawa.

Actually, feel na feel namin na gusto na ring mag-artista ni Zion, kaya nae-excite siya kapag nakikita ang dalawang producers, hindi pa nga lang niya magawa ‘yon dahil ang gusto nina Richard at Sarah ay unahin muna niya ang kanyang studies.

Samantala, ‘yung video kung saan kumakanta ng Elvis Presley songs si Zion kasama ang kanyang lolo na si Eddie Gutierrez ay pinag-usapan talaga dahil feel na feel talaga ng bata ang kanyang ginagawa.

Wish ng fans, sana ay magkaroon ng production number sa ASAP si Zion kasama ang kanyang lolo at tatay.

Tito-Helen nakakainggit ang sweetness

PRINCIPAL sponsors nga pala sa kasalang ‘yon ang mag-asawang Sen. Tito at Helen (Gamboa) Sotto. Marami ang pumuri sa mag-asawa dahil isa sila sa may pinakamatatag na showbiz marriage.

And in fairness, sa tagal ng relasyon nina Tito Sen (paboritong tawag sa senator/TV host) at Tita Helen, hindi pa rin naman nawawala ‘yung sweetness nilang dalawa sa tuwing magkasama.

Kitang-kita sa nasabing wedding kung paanong palaging nakaalalay si Tito Sen kay Tita Helen.