Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Richard buking tinago ni Lucy

0 85

NI: BETH GELENA

Hindi sukat akalain ni Richard Gomez na mabubuking niya ang itinatagong sikreto ng misis niyang Lucy Torres’Gomez.

Very open naman si Lucy nu’ng nag-uumpisa pa lang siyang mag-commercial model ay sinasabi na niyang crush niya si Goma.
Twelve years old lang daw siya noon ay super crush na niya ang aktor.

Sa showbiz podcast ng Updated with Nelson Canlas,.kinuwento.ng actor-politiko na may nalaman siyang sikreto na pinagkatago-tago ng kanyang misis sa kanya.

Aniya, back in 1991.nang rumagass.ang typhoon sa Ormoc City.

“Binaha ‘yong bahay nila so they decided to move do’n sa subdivision dito sa Ormoc City na ginawa ng lolo niya. And then ‘yong bahay na ‘yon, minaintain pa rin nila. Pero alam mo ‘yong inabandon nila, hindi talaga pininturahan, iniwan lang siya.

“So no’ng dumaan kami, sabi niya, ‘this is where we used to live.’ Sabi niya ‘halika, pakita ko sayo.”

Nahiya raw si Lucy nang papasok na sila sa dating room nito dahil may isang cabinet na naroroon

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Alam mo ‘yong napahinto siya na gano’n. ‘This is my room,’ tapos nakagano’n siya. And then na-realize niya siguro na ‘hindi ko pa natatanggal ‘yong mga cutouts na pinaste ko sa cabinet.'”

Nang binuksan na raw ni Lucy ang cabinet ay na-amaze si Goma sa nakita.

“Pagbukas tawa siya nang tawa kasi no’ng nakita ko talaga, nando’n ‘yong GMA pictures ko, nakadikit do’n sa cabinet. Iba-ibang mga photo ko from different movies, from different TV shows.”

Nalaman niyang lagi raw ipinagdarasal ni Lucy na bigyan siya ng good husband na kamukha ng kanyang.iniidolo.
O much better na si Richard Gomez na mismo.

“Sabi niya, ‘Lord kung mag-aasawa ko, give me a good husband. Yon ang number 1, give me a good husband. Pero kung pwede bigyan mo ko ng kamukha ni Richard Gomez. Tapos kung talagang papalarin Lord, si Richard Gomez na talaga ‘yong ibigay mo sakin.’ Talagang ipinagdasal niya,” natatawang sabi ng Congressman-elect actor.

Ayon pa kay Goma, kaya raw pinagbuklod sila ni Lucy ay dahil hiningi siya nito sa Itaas.

“Ang lakas niya kay Lord sa totoo lang,” sey ni Goma.

“Pinagdasal niya talaga ko sa Panginoon. Siguro that was what brought me here to Ormoc City, that was what brought me to Lucy, ‘yong mga dasal niya,” sambit pa niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.