Abante Tonite Interactive

Richard, Dingdong agawan kay Vice

By
7,936

Palaisipan ngayon kung sino ang makakasama ni Vice Ganda sa kanyan Metro Manila Film Festival entry.

May alingasngas na gusto ni Vice na makasama si Richard Gutierrez. Ito umano ang request niya sa kanyang Viva producer na si Vic del Rosario.

Kamakailan ay pumutok din ang balita na si Dingdong Dantes ang makaka-partner ni Vice sa ‘The Greatest Syokla’.

Pero sumagot si Dong na wala pa siyang alam sa naturang project.

Magkasosyo ang Viva at Star Cinema tuwing MMFF movie ni Vice. Si Dingdong ay may kontrata sa Star Cinema na dalawang pelikula kaya posible rin siyang isabak sa movie na ito. Si Richard naman ay alaga ng Viva katuwang ang kanyang inang si Annabelle Rama.

Ito na kaya ang pagbabalik ng rivalry nina Chard at Dong? Matatandaan na si Richard ay dating Primetime King ng GMA 7 na ngayon ay hawak na ni Dingdong.

Pinagsasabong na tuloy ang dalawa. Kagagaling lang daw ni Dantes sa box office movie na ‘Sid & Aya’ kaya mabango ang record nito sa takilya. Si Richard naman ay matagal nang walang pelikula.

Hindi kaya mas effect kung pagsamahin sina Dingdong at Richard para kay Vice kesa mag-agawan ng role. Bagong formula ito para matinding panlaban kung magsasanib sina Vic Sotto at Coco Martin.