Abante Tonite Interactive

Richard feeling gurang sa graduation ng anak

By
5,773

Nakaramdam ng pagtanda at pagiging achiever-proud daddy ang Kapamilya leading man na si Richard Yap. Ibinahagi niya ito sa kanyang mga followers sa Twitter.

Nagtapos ng Bachelor of Science in Marketing ang dalagang anak ni Richard na si Ashley Sandrine.

Naka-post sa Twitter wall ni Richard ang graduation photo ng anak kasunod ang message niyang hindi raw siya makapaniwalang may magtatapos na ng college sa kanyang mga anak.

@ImRichardYap08, “At Ashley Sandrine’ graduation. Can’t believe that my baby is now graduating from College.”

Maging ang mga follower ni Richard ay hindi makapaniwalang may dalaga na itong anak at tapos na ng kolehiyo.

Sa itsura kasi ng aktor hindi mo aakalaing may mga grown up kids na ito.

Sa porma ng pangangatawan at sa young looking face nito, parang hindi tumatanda si Richard.

Maggie mas malinamnam sa ulam ang kaseksihan

Hulog ng langit para sa paningin ng mga kala­lakihan ang kaseksihan ni Maggie Wilson. Laging nakabalandra ito sa kanyang Instagram wall.

Sa tuwing magpo-post ng kanyang bikini photo ang tv host-actress-beauty queen, may kakaibang sig­lang nabubuhay sa mga kalalakihan.

Maiko-consider na isang mabisang physical therapy ang kaseksihan ni Maggie. Araw-araw ay lalong bumabangis ang kagandahan.

Kahit ang matandang walang kakayahan na magpagalaw ng kanyang pagkalalaki ay nabubuhay sa alindog niya.

Mula ulo, buhok, balikat, dibdib, baywang, balakang hanggang sa kanyang mga binti, isang tunay na kartada 10 ang kabuuan ng dating beauty queen.

Lalo pa itong pinatingkad ng kanyang brown skin.

Walang maihahalintulad sa anumang pagkain ang linamnam ng kaseksihan ni Maggie.

***

Ipinagmamalaki ni Pokwang ang katatagan ng kanilang pagsasama ng American boyfriend-live in partner na si Lee O’Brian. Lalo na ngayong nabiyayaan siya ng maganda at mestisahing baby na si Malia.

Sa kanyang throwback photo na ipinaskil sa kanyang Instagram wall, makikitang sweet na sweet sila ni Lee sa isang ruins. Ipinagdiinan niyang masaya siya sa estado ng kanyang personal life na hindi kayang buwagin ng kanyang mga basher.

@itspokwang27, #flashbackfriday #theruins may mga tao talagang hindi masaya sa kanyang kapwa, may panghuhusga, may panglalait, basta kami masaya at nagpapasa­lamat sa lahat ng biyaya lalo na sa aming nabuong pamilya kay @malia_obrian at @maesubong, sila ang aming kaligayahan at dahilan para maging matatag. Sa mga hindi masaya para sa amin, salamat kasi mas pinagtitibay nyo kami.