Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Richard first love ni Yassi

0 576

NI: ROLDAN CASTRO

Isang bagong karakter ang darating sa buhay nina Cardo (Coco Martin) at Alyana (Yassi Pressman) sa pagpasok ni Richard Gutierrez sa action-drama serye na “FPJ’s Ang Probinsyano” simula ngayong Lunes .

Dito, gaganap si Richard bilang ang mayamang businessman na si Lito, na kababata at unang pag-ibig ni Alyana.

Related Posts

Matapos ang ilang taong pagkakalayo, magbabalik si Lito sa buhay ni Alyana at mapapalapit sa pamilya nito.

Mapagkakatiwalaan nga ba si Lito, o siya na ba ng panibagong kaaway na patutumbahin ni Cardo? Ano ang tunay niyang intensyon sa pagbabalik niya sa buhay ni Alyana?

Tunghayan si Richard at ang mga maaksyong misyon ni Cardo sa “FPJ’s Ang Probinsyano” tuwing 8 PM mula Lunes hanggang Biyernes sa Kapamilya Channel.

Leave A Reply

Your email address will not be published.