Abante Tonite Interactive

Richard Gomez, pinuri sa pagligtas sa pawikan

11

PINUPURI si Richard Gomez sa soc-med dahil sa pagpapaospital niya sa isang pawikan na muntik na ngang mamatay.

Kung hindi dahil sa maagap na pagsagip ni Goma (na Mayor ng Ormoc City ngayon) malamang namatay na last month ang sea turtle.

Naka-poste sa Instagram ng actor-politician ang short video footage nang pagse-send off nito at ng mga mangi­ngisda sa pawikan patungo sa dagat.

Habang kinukunan ang video ng pawikan na bitbit ng mga magsasaka, nagsasalita si Richard tungkol sa pagpapa-rehabilitate niya sa pawikan.

Ayon sa caption ng video, nakulong ang pawikan sa fishnet ng mga mangi­ngisda. Agaw-buhay daw ang pawikan kaya agad itong ipinasugod sa ospital ni Richard.

“About a month and a half ago this sea turtle was caught trapped in a fisherman’s net. The turtle was so weak and almost dying so I ordered the staff from the fisheries dept. to send the turtle to the nearby hospital for an x-ray and ultrasound,” sey pa ni Goma.

Ayon pa kay Goma, puno ng basura ang tiyan ng pawikan kaya ito nanghihina. Umani ng good comments si Richard sa pagsagip nito sa pawikan.