Abante Tonite Interactive

Richard, halos himatayin sa prom night ni Juliana

By
31

NAKAUSAP namin kamakalawa nang gabi ang Ormoc Mayor Richard Gomez sa programa namin sa DZRH na Showbiz Talk Ganern.

Bahagyang natawa si Goma nang napag-usapan ang nag-iisang anak nila ni Cong. Lucy Torres-Gomez na si Juliana.

Napapag-usapan sa social media ang post nilang mag-asawa nang dumalo na sa prom night ang kanilang 16 y/o daughter.

Abante Hiring – IT dep

Waray ang caption sa post nilang mag-asawa kung saan binanggit ni Goma na parang hihimatayin siya nang sinundo ang kanyang anak ng ka-date nito.

Pinuna pa nila ang mataas na slit sa gown na suot nito.
Mabuti at trusted nila ang ka-date ni Juliana na childhood friend nitong si Santi Belmonte.

Aminado ang actor/politician na kabado pa rin siya at pinagpawisan nang nakitang ganu’n na kadalaga ang kanyang anak.

“Medyo nagpapawis, eh,” natatawang pakli ng alkalde ng Ormoc.

“Syempre, dalaga na ‘yung anak mo, di ba? Buti na lang, medyo mabait naman ‘yung ka-date niya. Alam mo naman nu’ng bata bata ako, medyo pilyo ako pagdating sa mga ganyan. eh.

“Kaya nga sinasabi ko kay Juliana, ‘Juliana, nu’ng edad mong ‘yan, talagang ‘yung mga dini-date ko, talagang hindi ako umuuwi kung hindi ko nakahalikan ‘yung ka-date ko, eh.’ Tawa lang siya sa akin, eh.

“Sabi ko nga sa kanya, pagkatapos ng prom mo, uwi ka agad ha?” dagdag niyang pahayag.
Tanggap na rin niya na isa sa mga araw na ito ay may aakyat na ng ligaw sa kanilang dalagita.

“Inevitable ‘yun eh na one of these days, talagang mangyayari ‘yun, eh. Talagang may aakyat ng ligaw at mangyayari ‘yun.

“Saka alam mo naman si Juliana, hindi sa pagyayabang, talagang may itsura, eh,” sagot ni Mayor Goma sa tanong namin tungkol sa panliligaw kay Juliana.

Mabuti at napakabait daw ng kanilang anak at nakikinig ito sa mga payo nila ni Lucy.

Hindi niya alam kung interesado si Juliana na pasukin nag showbiz, dahil napakamahiyain daw nito.

Sakaling gusto na nitong mag-showbiz, buo ang suporta nilang mag-asawa.
“Sabi ko sa kanya, kung ano ‘yung gusto mong gawin ay susuportahan kita.

“In case one day, maisipan mo pumasok sa showbiz, it’s up to you. I will be here to guide her.

“Kung ano ‘yung gusto niya, support system lang kami ni Lucy. Pero mahiyain eh. Mukhang okay naman sa kanya, kaya lang nahihiya lalo na pag maraming tao na sa harap niya,” saad ni Mayor Goma.

Nu’ng Lunes ay sinimulan na ni Mayor Goma at ng taga-Ormoc ang kanilang kapistahan at marami silang naka-line up na activities dahil mahaba itong selebrasyon nila.

Kuwento niya, “First time ko na nag-celebrate ng fiesta as Mayor dito sa Ormoc,
“Nagulat ako dahil ang fiesta namin dito, hindi pala isa o dalawang araw lang. Tatlong linggo ang celebration.”

Proud ang alkalde ng Ormoc na maraming magagandang tanawing puwedeng puntahan sa kanilang lungsod, at safe doon dahil tiniyak niyang maayos ang kanilang security.