Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sarah ‘hiwalay’ kay Richard

0 84

NI: VINIA VIVAR
Dahil nasa lock-in taping ngayon si Richard Gutierrez para sa FPJ’s Ang Probinsyano, miss na miss na nila ng asawang si Sarah Lahbati ang isa’t isa.

Sa kani-kanilang Instagram page ay makikita kung gaano nila ka-miss ang isa’t isa sa kani-kanilang post.

Sa isang sexy post ni Sarah, caption ng aktres, “missing this & missing you @richardgutz 🤍bikini by my love.”

Na sinagot naman ni Chard ng “Can’t wait to be home.”

Na sinundan pa ng “my goodness..”

SM food to go Banner Ad

Si Richard naman ay nag-post ng sexy photo ni Sarah na naka-swimsuit habang nasa dagat.

Caption ng aktor, “Looking forward to seeing you again soon my queen.”

Sagot naman ni Sarah, “miss you.”

Ang daming kinikilig sa sagutan ng mag-asawa at pati nga si Ruffa Gutierrez ay napa-comment ng “Wow.”

Kasalukuyang nasa Batangas si Chard para sa lock-in taping ng FPJAP at balitang isang buwan itong magtatagal doon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.