Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Richard ‘ingrato’

0 220

RODEL FERNANDO: Marami ang nag-react sa sinabi ni Richard Yap na doon na raw siya sa stable na network. Para bang ibig niyang sabihin wala nang pag-asa pang makabalik ang ABS-CBN na nagpasikat sa kanya. Na ang bagong network na lang niya na GMA 7 ang matatag kaya dito na siya mananatili.

Of course, marami ang nasaktan sa pahayag ng Tsinitong aktor lalo na ang mga loyal sa Kapamilya network. Hindi nga naman maganda na maglitanya pa siya nang ganun. Siguro ay mas maganda na tahimik na lang siyang lumipat at magpasalamat na lang siya sa nagawa sa kanya ng Dos.

Pero sa totoo lang mga ka-Cuatros, palaisipan sa akin yung binitiwan niyang salita ha?!. Hindi kaya may sama ng loob siyang kinikimkim sa pinaglingkuran niyang istasyon? May kinalaman ba ito sa hindi raw pagsuporta sa kanya nang tumakbo siyang congressman sa Cebu?. Nagtatanong lang po…

ROMMEL PLACENTE: Magkakilala kami ng personal ni Richard and in fairness, approachable siya,huh! Kaya as much as possible, ayokong magsalita ng against him.Pero para sa akin,ay mali ang sinabi niya na dun na lang siya sa mas stable na network.Na parang ang ibig niyang sabihin, kaya siya lumipat sa GMA 7 ay stable ito.

Hindi ko nagustuhan ang sinabing ito ni Richard. Let’s face it,sumikat siya nang dahil sa nasabing kumpanya.Ang ABS ang gumawa sa kanya dahil sa ‘Binondo Girl,” “Be Careful with My Heart.”

Siguradong kapag nakarating sa Dos ay masasaktan sila.Pero siguro nga ka-Cuatros na Rodel, baka may kinikimkim siyang sama ng loob kaya nakapagsalita siya ng ganoon. Pero mapapararatangan lang siyang ingrato o walang utang na loob dahil diyan, di ba?

MILDRED A. BACUD: “GMA has been there for a long time, and they’ve been doing a lot of shows for a long time.

“Of course, I will choose a more stable network,” ito ang eksaktong sinagot ni Richard Yap sa tanong kung bakit pinili niya ang Kapuso network. Naging praktikal lamang daw siya sa naging desisyon. Sa tatlong offers daw kasi na natanggap niya sa ibang network ,’yung isa ay halos nagi-establish pa lang at ‘yung isa naman ay blocktimer lang.

Pero ‘yun na nga mga ka-Cuatros sa mga binitawang pahayag ng aktor, ilang dating mga katrabaho niya sa Kapamilya network ang di nakapagpigil magkomento dahil nasaktan sila.

SM food to go Banner Ad

Grabe rin siyang inalagaan ng Dreamscape na naging management niya. Kahit nga may edad -edaran na hindi naging hadlang para sumikat siya. Kaya nang lumabas ang interview na ito ng aktor ay inulan sya ng batikos. Ingrato at wala raw utang na loob. Hindi naman natin sila masisisi. Pero alam niyo ba mga ka-cuatros ayon sa post ng taga Dreamscape na si Erik John Salut ay tinawagan daw siya ng aktor at nag-apologize. Baka naman na-realize din ni Richard na hindi maganda ang mga sinabi niya.

ROLDAN CASTRO: Naku, baka naman wala sa loob ni Richard ang sinagot niya. Kumbaga, maling salita ang ginamit niya. Di ba friend Kate Valenzuela?

Ang mahalaga nag-sorry siya nang malaman niyang may nasaktan siya.

Next time maging careful na lang siya sa lumalabas sa bibig niya para ‘di maparatangang walang utang na loob.

Pasalamat na rin siya kung may nagtitiwala pang network sa kanya para magtrabaho.

Aminin man niya o hindi bumaba na ang popularidad niya.

Natatandaan ko nga nu’ng minsang mag-guest siya sa kapistahan ng Mandaluyong. Binibining Bilbilin yata ‘yun. Na-shock kami nang walang malakas na tili at palakpak sa kanya.

Siguro mga millennial ang crowd noon at hindi faney ni Papa Chen.

Pero nu’ng si Karla Estrada ang tawagin, malakas ang palakpakan, sigawan. Hinala namin ay dahil nanay siya ni Daniel Padilla.

‘Yun na ‘yon. Hahaha!

Leave A Reply

Your email address will not be published.