Abante Tonite Interactive

Richard kinarir ang pagbi-Bisaya

By
0 275

Malaki ang naging pagbabago ng buhay ni Richard Gomez mula nang sumabak siya sa politika.

Sa ngayon, pinupuri siya dahil sa loob lamang ng tatlong taon ng kanyang panunungkulan bilang mayor ng Ormoc City ay marami na siyang nagawa.

Katunayan, ang nasabing lungsod na ang itinuturing na pinakamayamang siyudad sa Eastern Visayas.

“Siguro, ako lang kasi, personally, I’m an achiever. Gusto ko lang ipakita na when you’re an elected official, same lang ito sa anumang posisyong ipinagkatiwala sa iyo. Na deserving ako at maganda ang leadership ko sa Ormoc. I’m glad din na very cooperative ang council at pati na ang army at ang pulis. In a such short time, malaki na ang naging progress ng Ormoc,” aniya.

Importante rin daw ang will power kaya nagawa niyang maging matagumpay sa bagong larangan niyang pinasok.

“Actually, malaki ang nagagawa ng will po­wer,” hirit niya. “Kung determinado kang mag-succeed, ipu-pursue mo talaga,” dugtong niya.

Noong una, wala raw siyang alam tungkol sa kultura at lengguwahe ng mga Bisaya pero natutunan niya ito dahil nagpursige siya.

“I was raised in Manila and born in Manila. Ang Mommy ko, taga-Bulacan. But when I married Lucy, I learned how to speak Bisaya,” tsika niya. “What I did was I bought this book sa National Bookstore na from English to Bisaya. I started reading it, tapos iyong istorya namin sa bahay pulos Bisaya aside from my only driver na very fluent din sa dialect, so, natuto ako,” pahabol niya.

Nakatulong daw ito para makapag-connect siya sa kanyang mga constituent.

“Siyempre, I had to learn the dialect para magkaintindihan kami, para makapag-reach out ako sa kanila, sa mga constituents ko,” ani Richard.

Happy naman si Richard dahil after 15 years, balik-tambalan sila ni Sharon Cuneta sa pelikulang “Three Words To Forever”.

Nagpapasalamat din siya na sa kanyang hometown sa Ormoc kinunan ang kabuuan ng pelikula.

“Gusto kong i-share kung gaano kaganda ang Ormoc ngayon. Iyong naging improvement niya at bilang tourist destination,” pagwawakas niya.