Abante Tonite Interactive

Richard kinuyog sa pasigaw na pagho-host ng Binibining Pilipinas

By
9,901

HABANG ongoing ang Binibi­ning Pilipinas 2018 last Sunday night, inulan na ng katakot-takot na puna at batikos sa social media ang mga host ng pageant na sina Richard Gutierrez and Pia Wurtzbach.

Halos iisa ang puna ng lahat kay Chard at ito ay ang pasigaw nitong pagho-host sa pageant.

Narito ang ilan sa nabasa naming tweets ng netizens:

“My goodness, I’m cringing­ with Pia Wurtzbach and Richard Gutierrez’s hosting­. Bring back Xian Lim and KC Concepcion please.”

“Richard Gutierrez sounds like he’s struggling­ big time and the guy doesn’t know what timing is. Pia Wurtzbach on the other hand, sweetie you were crowned Miss U for a reason.”

“Whoever thought Iñigo Pascual can sing is the same person who thought Richard­ Gutierrez can host.”

“Somebody tell Richard Gutierrez to calm down.”

“Bigla kong na-ap­preciate­ existence ni Xian Lim sa mundo. He’s the perfect host tlga ever. No offense kay Richard Gutierrez and Pia Wurtzbach, pero you guys should work on your hosting.”

“Again, Richard Gutierrez needs to relax. He’s been screaming since the start of the pageant. I swear before the end of the night, he will be so “paos” na.”

“Richard Gutierrez needs some coaching from his twin brother and/or sister when it comes to hosting. Qiqil si Supremo.”

May nabasa rin kaming para raw umaarte si Chard bilang Supremo sa katatapos lang na La Luna Sangre serye niya dahil lagi itong galit.

May nagsabi ring napa­kahusay daw ni Chard na mag-host ng documentaries pero hindi raw nito linya talaga ang pageant hosting.

Mabilis namang nagpaliwanag ate ni Chard na si Ruffa Gutierrez sa Twitter. She explained na mahina raw ang audio sa kinalalag­yan nina Pia at ng kapatid.

“Talking to @teamgutierrez now – they have a break while judges are delibera­ting. He said mahina ‘yung audio. Pia & Chard can’t hear themselves speak so sometimes they need to raise their voices. Calling the audio people…Yoo-hoo!” tweet ni Ruffa habang ongoing ang pageant.

Ruffa, bet si Catriona bilang Binibining Pilipinas-Universe

STILL of Ruffa, kaaliw ang aktres and former beauty queen dahil nakatutok siya talaga sa TV habang pinapalabas ang BB. Pilipinas 2018. Panay ang tweet niya ng kaganapan at para ngang nagko-coverage siya ng event sa kanyang social media account.

May mga comments siya sa candidates at panay ang tweet ng papuri sa mga nagugustuhan niyang kandidata.

Ilan sa tweets niya:

“#14: great job girl!!!!! Bongga ka day!!!!

“#32: mabuhay ka girl!!!!! So relaxed and napakahusay ng sagot mo!! you deserve a crown!!!! She’s from mom’s hometown Cebu right? love the answer!!

“#19: I love her!!! She nailed it!!! Super relaxed!!! Gooooo Michelle!!! Beauty, body & brains!!

“Catriona Gray, you rock!!! Uwian na!! May panalo na!”

Ikinuwento rin ni Ruffa na panay ang sigaw sa kanya sa telepono ng ina niyang si Annabelle Rama na nasa loob ng Araneta Coliseum kung saan ginaganap ang pageant.

“Mom @annabellerama2 keeps screaming at me whenever I call her. Ang ingay raw sa ARANETA!! Parang LA SALLE VS ATENEO CHAMPIONSHIP Lang ang peg. Everyone’s screaming for their fave candidates!” tweet pa ni Ruffa.

Nang manalo na si Catriona Gray bilang BB. Pilipinas-Universe, tweet ni Ruffa, “As expected… my bet, CATRIONA GRAY, wil represent the Philippines in the MISS UNIVERSE BEAUTY PAGEANT!!!! Congratulations!!!”

As we all know, produkto rin ng BB. Pilipinas si Ruffa. Siya ang nanalong BB. Pi­lipinas-World 1993 and was also crowned Second Princes ng Miss World 1993.