Abante Tonite Interactive

Richard, mag-e-exhibit ng underwater photos

By
Richard Guttierrez
6

UNDERWATER photography ang bagong kinahihiligan ni Richard Gutierrez.

Nasa Malapascua, Cebu sila ngayon ng lovey-dovey niyang si Sarah Lahbati at anak na si Zion at nag-a-“underwater adventure” na naman.

Ang makakita ng thresher sharks ang pakay nila roon at hindi sila nabigo ni Sarah.

Abante Hiring – IT dep

Ang lugar na pinuntahan nila ay ang Monad Shoal na world famous dahil dito lang daw puwedeng makakita ng thresher sharks araw-araw, kaya dinadayo ang lugar na ‘yon.

Noong magbakasyon sina Richard at Sarah sa Kingdom of Tonga kamakailan, nakapag-underwater adventure silang mag-lovey-dovey at napakaraming underwater pictures na nakunan ni Richard.

Kamakailan, pina-print niya ng malalaking copies ‘yon at pina-frame at naka-display sa kanilang bahay sa Makati City.

Nag-iipon si Richard ng maraming underwater pictures at kapag handa na siya, gusto niyang magkaroon ng exhibit.

“Yes I plan to do an exhibit in the future, but I still have to prepare my work. Underwater photography.

“Taking images of endangered marine species to help create awareness for marine conservation!” sabi ni Richard nang tanungin namin kahapon tungkol sa bagong nakakahiligan.

Ang #1 fan ng underwater photographs ni Richard ay ang anak na si Zion.

Related Posts

Nang mapa-frame na kasi ni Richard ang mga kuha niya sa Kingdom of Tonga, palaging tinititigan ‘yon ni Zion.

Sobrang idol ni Zion ang kanyang tatay, kaya hindi kami magtataka na habang bata pa lang siya ay gustuhin na rin niyang mag-underwater photo­graphy.

Noong nag-Panday kasi si Richard, ginagaya siya ni Zion at nagpagawa ng sariling Panday costume ang bata na napakinabangan pa niya dahil naisuot niya uli noong mag-trick or treat sila sa may Alabang.

Teka! Sa ganda ng mga lugar na pinupuntahan nina Richard at Sarah, bakit hindi kaya sila magkaroon ng proyekto na ang setting ay sa mga lugar na ‘yon?

Tutal ay marami ang nagre-request na gumawa sila ng pelikula together, ha?!

***

Ayon kay Perci Intalan, isa sa producers ng Die Beautiful mo­vie ni Paolo Ballesteros na lumaban sa Tokyo International Film Festival, wala silang kaide-idea ng mister niyang si Direk Jun Lana na a-attend ng awards night ng nasabing filmfest ang bida ng kanilang pelikula.

Nagulat na lang sila nang umakyat sa stage si Paolo para tanggapin ang best actor award nito.

“Umakyat na nga si Jun to accept the award, pero na-surprise kami at nandoon si Pao,” sabi ni Perci.

“Inasikaso ng festival organizers na super secret. Pati hotel, iniba para di namin makita ang pagdating niya!”

Sa red carpet event ng nasabing filmfest ay magkakasama na sila pero ang alam nila ay umuwi ng ‘Pinas si Paolo alang-alang sa Eat Bulaga.