Abante Tonite Interactive

Richard pahinga muna sa La Luna Sangre

4,909

MULA noong Saturday ay pahinga si Richard Gutierrez sa taping ng La Luna Sangre at kahapon lang siya nakapag-resume. Dapat Monday ay may taping na siya, pero wala raw new script na dumating.

Sayang, kung alam lang ni Richard ay nakapag-out of town sana sila nina Sarah Lahbati at Zion.

Birthday pa naman niya noong Sunday.

Noong Saturday, nag-dinner na sila nina Sarah at Zion. Nang bigyan ng birthday cake si Richard, si Zion ang kumanta ng birthday song para sa kanyang ‘Dada’.

Sabi ni Richard, ine-enjoy nila ni Sarah ang bawat moment na kasama nila si Zion habang nag-iisa pa nga lang ang kanilang anak dahil pagdating ng kanilang second baby, natural na hati na ang kanilang atensyon.