Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Richard, Robin, Cesar tatak babaero

0 677

ROMMEL PLACENTE: Sey ni Richard Gomez never magiging isyu ang third party sa kanyang asawa na si Lucy Torres.So base sa sinabing ito ni Goma,hindi siya nambababae. At mukhang never nga niyang ginawa yun mga ka-Cuatros mula nang ikasal siya kay Lucy noong 1998. Wala pa tayong nabalitaan na nagloko siya, di ba? Nanatiling loyal siya kay Lucy.

Guwapo si Goma kaya hindi malayong lapitin siya ng mga babae. Marunong lang siguro siyang umiwas sa tukso. At alam niya ang magiging consequences kung papatol siya sa ibang babae.

Kahanga-hanga si Goma.Hindi siya katulad ng ibang may asawang aktor na tumitikim pa ng iba. Kaya ang ending, hinihiwalayan sila,di ba?

Posible rin nagsawa na rin si Goma nu’ng binata siya kaya matino na talaga siya nang mag-asawa. Nu’ng kabataan niya ay may image din si Goma na babaero.

Kayo mga ka-Cuatros,sino ang kilala ninyong aktor na gaya ni Goma ay tapat sa kanyang misis? At sino naman ang niloko o pinagtaksilan ang kanilang esmi?

RODEL FERNANDO: Kung si Richard Gomez ay hindi nauugnay ang pangalan sa ibang babae mula nang maging asawa si Lucy Torres ay iba naman sa kaso ni Cesar Montano. Nawindang ang mga tao nang isawalat ni Sunshine Criz na mapuputol na ang pagsasama nila ni Cesar. Isa sa mga itinurong dahilan ng paghihiwalay nila umano ay ang sexy star na si Krista Miller.

Hindi naayos nina Cesar at Sunshine ang problema nila kaya naman hindi na nabuo ang kanilang pamilya. Nagpatuloy ang buhay ng aktres habang si Buboy naman ay hindi natapos ang mga nauugnay na mga babae sa kanya. Kasama rito ang mystery girl na hubot-hubad na umapir sa video greeting na ginawa niya para sa isang kaibigan.

Hindi rin nakalagpas sa kamalayan ng tao ang isang beauty queen na diumanoy naanakan niya. Nag-post kasi ng litrato ang beauty queen sa kanyang Instagram account ng picture ni Cesar na may hawak na batang lalaki. Sabi-sabi’y anak daw ito ng aktor.

MILDRED BACUD:Isa pang may imahe ng pagiging babaero ay si Robin Padilla dahil sa dami ng mga nakarelasyon. Ang ilan ay sina Liezel Sicangco, Jobelle Salvador, Leah Orosa at nagkaroon siya ng mga anak dito. Nakarelasyon din niya sina Sharon Cuneta, Vina Morales pati na si Dolly Anne Carvajal ay na-link din sa kanya. Pero in fairness mula ng mag-asawa sila ni Mariel Rodriguez ay naging stick to one na ito. Kahit Muslim at allowed more than once mag-asawa ay naging loyal na siya sa asawa niya ngayon.

Binago rin ni Priscilla Meirelles si John Estrada na wala na tayong nababalitaang nali-link na babae. Minsan naitanong namin sa kanya na kahit may asawa na siya ay nate-tempt ba siyang tumingin sa ibang babae.

Sey niya, iba na rin daw kasi ang panahon lalo’t nagkakaedad na. Wala na rin naman daw siyang mahihiling sa asawang si Priscilla. Kaya naman ganun na lamang ang galit niya nang lumabas ang isyu nila ni Mylene Dizon.Idedemanda sana niya ang magsulat ng malisyosong balitang ito pero may mga nakiusap sa kanyang huwag na.

ROLDAN CASTRO: Kahit naman si Aga Muhlach noon marami ring babae ang dumaan sa buhay niya. Naugnay siya o natsismis din siya noon kina Janice de Belen, Maureen Mauricio, Gretchen Barretto, Ruffa Gutierrez, Sheryl Cruz, Aiko Melendez atbp.

Pero nanahimik na siya nang ikasal kay Charlene Gonzales.

Basta naniniwala ako na ang mga lalaki ay likas na babaero. Pero meron din naman silang asawang inuuwian . Hindi lang talaga maalis sa mga mister na palaging adobo ang ulam nila.

Masuwerte na talaga ang mga may loyal sa asawa.

Sa bandang huli nasa misis pa rin ang pagtanggap at pagdadala sa kalokohan ng esposo nila kung gusto nilang ‘di mawasak ang pagsasama nila.

Kaya mga ka-Cuatros next topic na tayo, mga aktor naman na lalakero pala .Charoot!

Leave A Reply

Your email address will not be published.