Abante Tonite Interactive

Richard-Sarah kumpleto na ang isusuot sa kasal

0 452

Nasa final stage na ng preparations sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati para sa kanilang kasal on March, 2020. Pati nga ang susuutin nilang dalawa ay kumpleto na rin.

Matatandang lumipad pa si Sarah kamakailan sa Europe para pick-up-in ang kanyang wedding dress habang si Richard naman ay nabili na raw niya noon pa nu’ng pumunta rin sila sa Europe.

Excited na rin si Chard dahil after ng lahat ng pinagdaanan nila ni Sarah, finally, ‘eto na, ikakasal na sila.

“Syempre, very exciting times in our lives ‘to, it’s a new chapter. We consider it parang a new beginning for us. Marami na kaming pinagdaanan throughout the years. This solidifies our relationship and it solidifies also our relationship with God and for our family,” he said.

Through the years ay nag-mature na rin daw sila lalo na nga si Sarah na 18 yrs. old lang nu’n nang makilala si Richard.

“We grow as individuals. I’m just happy we didn’t grow apart. We grew together. Nagkaroon siya ng time to grow as an individual, and ako rin, nagkaroon din ako ng sariling journey.

“And at the same time, we were there for each other the whole time. ‘Yun nga, gaya ng nasabi ko, through thick and thin kami ni Sarah. Marami kaming instances na we were challenged, our relationship was challenged but not once na umalis siya sa tabi ko,” pahayag pa ni Chard.

Dahil nga “Unbreakable” ang title ng bago niyang movie with Angelica Panganiban and Bea Alonzo, natanong si Richard kung may time ba na muntik nang ma-break ang kanilang relasyon.

“Hindi naman muntik nang ma-break. But we had challenges, and ‘yun nga, mga misunderstandings, ganu’n. It’s normal naman for the relationship to be challenged. Parang binibigay din ‘yun ni God para ma-test kayong dalawa kung gaano niyo kamahal ang isa’t isa at ‘yung relationship niyo. It’s part of our growth.

“Maraming instances na nagkaroon kami ng falling out, nagkaroon kami ng challenges sa relationship namin but at the end, we were there for each other until now,” saad ng aktor.

Kung nagkakaroon daw sila ng misunderstanding ay iniintindi nila ang isa’t isa dahil mas malalim daw ang love nila para sa isa’t isa kaysa sa anumang problema na ‘yan.

Ejay-Jana wala pang planong magpatali

May dalawang taon na rin ang relasyon ni Ejay Falcon with Jana Roxas na dating contestant sa “Starstruck” pero as of now ay wala pa raw sa plano nila ang pagpapakasal although napag-uusapan naman daw nila.

“Napag-uusapan naman po, pero sabi ko nga, eh, wala pa sa ngayon, sobrang busy pa,” he said.

Natanong din si Ejay kung wala ba siyang balak makiuso dahil sunod-sunod nga ang proposal, engagement at kasalan this year at sey ng aktor, ayaw naman daw niya na dahil du’n ay magpo-propose na rin siya.

“Ang proposal para sa’kin, sa babae at sa lalaki, moment ‘yun sa buhay mo na talagang kailangan mong maramdaman na ito na ‘yung time, ito na ang dapat gawin, hindi ‘yung dahil nape-pressure ka lang.

“Pero siyempre, naniniwala naman ako na mag-e-end naman ang buhay ko na nandu’n pa rin ako sa may asawa,” ani Ejay.

Sa ngayon daw, ang mas gusto nilang gawin ni Jana ay mag-travel nang mag-travel sa ibang bansa. Recently ay nagpunta sila sa Japan at iba raw talaga kapag nagta-travel ang isang couple dahil dito mas nagiging bonded ang relasyon.

“Napaka-importante po nu’n sa akin. Parang sabi ko nga, ‘ito na lang ang maging bisyo natin.’ Kasi maganda talaga ‘pag nagta-travel lalo pag kasama mo rin ‘yung family mo. Mas nakikilala mo ang isang tao kasi everyday mong nakakasama,” sey pa ni Ejay.