Abante Tonite Interactive

Richard-Sarah magpapakasal na?

479

May special announcement sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati sa darating na Linggo, pero hindi raw alam ni Tita Annabelle Rama kung ano ‘yon.

Katsika namin ang madir ni Richard nu’ng Wednesday night at ang sabi niya, siya mismo ay clueless kung ano ang ia-announce ng dalawa.

Co-managed niya raw kasi si Chard with ABS-CBN Star Magic, pero more on Star Magic na raw ang may kinalaman sa career ng anak niya.

Baka raw hindi rin sinabi sa kanya ng mga taga-ABS kung ano ‘yon dahil alam na madaldal siya at baka ma-preempt niya ang announcement.

Basta dapat daw manood ng production number nina Richard at Sarah sa “ASAP Natin ‘To” on Sunday dahil mukhang doon pa lang daw ay baka may i-reveal na ang dalawa.

Feeling namin, posibleng i-announce ng SarChard ang kanilang nalalapit na wedding dahil long overdue na ito kung tutuusin.

Matagal nang engaged ang dalawa, pero up to now ay wala pang linaw kung kailan magaganap ang kasalan.

Six years old na ang panganay nilang si Zion habang 1 year old naman ang bunso nilang si Kai.

In fairness, it’s about time nang magpakasal ang mag-sweetheart, na tinanghal na Couple of the Night nu’ng nakaraang ABS-CBN Ball.

26th birthday ni Sarah sa Martes, October 9. Si Richard ay 35-anyos na.

AlDub, Willie, Dabarkads kinaladkad nina Vice, Anne sa ‘It’s Showtime’

Pinangaralan ni Anne Curtis ang press na nagtanong kung kailan siya magkaka-baby.

Diretsuhan pero maayos ang pagkaka-deliver ni Anne ng linya niyang, “The press should stop asking that to any women because you don’t know what they’re going through, ‘di ba?”

Dugtong niya, “I’m speaking for every woman, you don’t know what they’re going through. I have a lot of friends who may be trying and medyo nakakasakit when people keep asking them, ‘When are you gonna have a baby? When are you gonna have a baby?’

“Or maybe they just don’t wanna have a baby. So, I hope you guys don’t take this the wrong way.

“But I think, in respect to every woman, you should stop asking that: ‘When are you gonna get married?’ and ‘Why don’t they have a baby?’ or ‘When are they gonna have a baby?’” sambit ng misis ni Erwan Heussaff.

Totoo naman ‘yung sinabi ni Anne dahil maging ang co-host niya sa “It’s Showtime” na si Karylle ay hindi rin natutuwa sa tuwing tinatanong kung kailan sila magkakaanak ng mister na si Yael Yuzon.

Si Tiyang Amy Perez at ang mga BidaMan ang kagrupo ni Anne sa Magpasikat competition nila ngayong 10th anniversary ng “It’s Showtime”.

Kung havey ‘yung sagot ni Vice Ganda na ang “Eat Bulaga” Dabarkads at si Willie Revillame ang makakagrupo niya, benta rin ‘yung hirit ni Anne na sa kanya naman daw ay ang AlDub! Ha! Ha!