Richard, Sarah nag-honeymoon sa Batangas

NI: ROLDAN CASTRO
“Honeymooners,” ang caption ni Sarah Lahbati sa kanyang larawan sa Instagram account.
Makikita na naghahalikan sila ng kanyang mister na si Richard Gutierrez na naliligo sa swimming pool ng isang resort sa Batangas.
Ngayon lang natuloy ang honeymoon nila pagkatapos ikasal nu’ng lockdown.
Sey naman ni Richard sa kanyang IG account, “With you time stands still my love.”
Pareho lang ang larawan na post nila.