Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Richard tanggap ang lalaki ni Juliana

0 659

NI: ARCHIE LIAO

Nineteen years old na si Juliana, ang nag-iisang anak nina Ormoc City Mayor Richard Gomez at Congresswoman Lucy Torres.

Katunayan, aware siya na edad ng anak ay marami nang umaaligid dito para manligaw.

Inamin ng dating PBB housemate na si Marco Gallo na naging ex niya si Juliana.

Nabalita rin noon na naging ka-date ng dalaga ni Goma ang anak ni Aga Muhlach na si Andres.

Gayunpaman, wala namang ligawang naganap sa dalawa.

Walang napabalitang dyowa ngayon si Juliana.

Pero kung si Goma ang tatanungin, tanggap na niyang sooner ay may manligaw na sa anak. Hindi siya kokontra pag may lalaking matipuhan ang kanyang dalaga.

“It’s a fact of life that, one day, meron talagang manliligaw sa kanya. It’s a fact of life, that maybe one of these days, she’ll just decide to settle down and get married,” pahayag ng actor-turned-politician.

Dagdag pa niya, hindi raw naman siya nagkukulang sa pagpapaala sa anak sa pagpili ng lalakeng makakatuwang nito sa buhay.

“I always tell her, you really have to choose the person you want to marry, who’s going to make you happy,” ani Richard.

“You choose somebody na you’re ready to wake up to every morning,” dugtong niya.

Tungkol naman sa pagsunod ni Juliana sa yapak ng kanyang mga magulang sa politika, napakaaga pa raw para sabihin ito lalo pa’t iba ang pokus ng dalaga ngayon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.