Abante Tonite Interactive

Richard vs Robin ayaw paawat

By
3,016

SA Golden Men, ang best specimens siyempre ay ang dating bad boy ng pelikulang Pilipino, si Robin Padilla at ang itinanghal noon na si Brown Adonis si Richard Gomez.

Kakatuwang isa-isahin na parang mara­ming things in common. Noong kabataan nila, may imahe silang mayabang, mainitin ang ulo (sa taas man o sa baba), mga maginoo pero medyo bastos.

Pareho nilang minahal ang megastar na si Sharon Cuneta. Muntik nang bumigay ang da­ting Madam Chairman kay Binoe eh kaso, pumutok ang balitang may babae itong binuntis kaya hindi tapos agad with a tandang pandamdam ang kanilang romansahan.

Nagsuntukan pa ang dalawa sa Malakanyang, thanks but no thanks, sa hindi pa Queen of No Media noon, si Kris Aquino.

Ang the late, great and much missed Inday Badiday, nakuryente ang “scoop” niya para sa isang broadsheet, ang pagpapakasal dapat ni Krissy kay Padilla.

Naging girlfriend ni Richard si Melissa Perez Rubio na na-link din kay Robin.

Naging leading lady at one great love ni Gomez si Dawn Zulueta. Naging kapareha ni Robin si La Zulueta sa isang action movie kung saan nabaliw ang aktres sa kanilang kis­sing scene.

Inilabas daw ni Robin ang dila nito habang sila ay may cine­matic kissing scene, offended si Dawn sa pangyayari.

Sa kasalukuyan, ang dalawa, ang Pinakama­kapangyarihang Ginoo, pareho nilang sinusuportahan.

Bashing ang tinanggap ni Goma dahil sa ‘fake news’ na ipinaskel nito na kesyo may isang British royalty ay nanalig sa presidente.

Si Binoe naman, sangrekwang haters din ang kumuda laban sa kanya matapos makita sa social media na kasama siya sa presidential entourage sa isang international trip nito.

Of late, ibinubu­yangyang ni Robin ang kanyang hubad barong katawan sa Sana Dalawa Ang Puso na talaga namang katakam-takam pa rin. Pati nga ang mga kili-kili ni Binoe, marami ang nagsasabing, parang kay sarap-sarap singhutin.

Si Gomez naman ay laging balot na balot dahil nga alkalde ito sa Ormoc.

Ang isa pang pasok sa Golden Men trio ay si Richard Yap.

Nung maghubad damit ito sa bagong day time drama nila ni Jodi Sta. Maria kung saan bahagi rin si Padilla, ang mga maybahay, kasambahay, ate, tita, mga manang at lahat nga mga maricon na nakapanood sa eksena, bumagsak ang mga panga, may mga baso at tasang hindi sinasadyang mabitawan at mabasag, may mga biglang nanghina ang tuhod, biglang nakaramdam na parang maiihi sila, at higit sa lahat, basang-basa, sa pawis at sa kung anumang likidong bumulwak sa kanilang tunay na pagkababae at imaginary sugar walls para sa mga maricon.

Isa lang ang konklu­syon sa paghuhubad ni Yap, ‘masarap’ siya at yes oh yes, “we want some more. Hubad pa more Papa Richard!”
Ang haharot! Ang kikiri! Mga galawgaw!