Abante Tonite Interactive

Richards ‘di tatanggi sa Star Cinema

554

ARTISTA LINGGO ESPESYAL

Ngayong tapos na nila ang pelikula, ayon sa KathDen ay talagang mami-miss nila ang nabuong friendship while doing the film. Na ang Kapuso at Kapamilya ay puwede palang maging ganito ka-close.

“Happy ako kasi sa mga promos makakasama ko pa sila. But after that, sana, hindi do’n nag-i-end. May nabuong friendship and we’re very happy na ganu’n ‘yung naging outcome, hindi namin in-expect,” sabi ni Kathryn.

Ayon naman kay Alden, sa ngayon nga raw ay nami-miss na niya ang mga panahong nasa HK sila.

“Kasi, parang do’n talagang… wala, eh, hindi ABS-CBN, hindi GMA-7 kami, eh. It’s a family. Pamilya ang nabuo and siyempre, ‘yung mga bondings namin, ‘yung ganito, when we do presscons and mall tours together.

Siyempre, ‘yung samahan talaga.

“‘Yun ‘yung siguro, after the movie, kasi, ‘yung schedule ni Kath, ‘yung schedule ko rin, ‘yung schedule rin ng iba naming kasama, iba-iba na. So, talagang conscious effort talaga na magkita-kita.

“Pero isa ‘yun sa mami-miss ko talaga. ‘Yung samahan na­ming lahat dito,” sabi ni Alden.

Of course, wish ng aktor na magkaroon pa ulit ng pagkakataon na makapagtrabaho siya sa Star Cinema at ma­ging direktor muli si direk Cathy.
“Sana po. Kung meron man pong offer, hinding-hindi ko po tatanggihan ‘yan at siyempre po, with the blessing pa rin po ng GMA kung papayagan pa rin ako.

“Pero I’m still looking forward to do films with Star Cinema and also other productions as well,” saad ni Alden.

Showing na sa mga sinehan ang “Hello, Love, Goodbye” ngayong July 31 at kasama rin dito ng KathDen sina Joross Gamboa, Jameson Blake, Maymay Entrata, Kakai Bautista, Jeffrey Tam, Lovely Abella at marami pang iba.

KathDen pumasok na waitress, bartender sa HK
 
Parte ng immersion ng KathDen para sa kani-kanilang role sa HLG ay ang pagpasok nila bilang waitress (Kathryn) at bartender (Alden) sa isang bar sa HK.
“Nag-immerse po kami ni Alden. Prior to going to Hong Kong, si Alden, nag-bartending lesson siya, kami naman, Cantonese lesson po, ‘yung mga basic.
“Tapos pagpunta du’n (HK), sa first night po namin, pinapasok talaga nila kami as waitress and as bartender sa isang bar.
“So, natulungan kami, para lang sabi ni direk, bago kami mag-shoot, medyo ma-warm-up kami sa galawan, maging natural lahat.
“So, ‘yun, na-experience po namin ‘yun for a night,” kuwento ni Kathryn.
Ang original plan nga raw, lilipad pa siya ng HK before the shoot para ipasok talaga siya sa isang employer at mamasukan talaga siya.
“Pero hindi po kasi naayos sa schedule kasi medyo, kapos po sa oras.”
Kaya ang nangyari raw ay nagkaroon din siya ng immersion habang ginagawa na mismo ang shoot kaya naman naging mahirap din talaga para sa kanya.
“So, ‘yung pag-immerse sa akin, sa treatment, kung paano ako kausap ng mga tao du’n, bawal akong tawaging Kathryn. Na-miss ko na tinatawag niya (Cathy) akong Kathryn, Joy (pangalan ng character niya sa pelikula) ang tawag niya sa akin.
“Kung isang buwan kami do’n, isang buwan na immersion ‘yun sa akin, emotionally and physically, kaya ang daming learnings.”
Dahil dito ay lalo raw niyang na-appreciate ang mga OFW at nakita niya kung gaano kahirap ang ginagawa ng mga ito.
“Parang after the movie, ito pong pelikula na ito, binuo ako. Kasi mas na-open ako sa mga bagay na nangyayari.”
Kaya sobrang okay daw sa kanya na na-experience niya lahat ito at talagang ang laki raw ng paghanga niya ngayon sa mga OFW.
As for Alden, sobrang happy raw siya na talagang nakapag-prepare siya for the role at malaki raw talaga ang naitulong ng immersion.
Nakausap daw niya ang mga bartender sa HK at nagtanong-tanong siya tungkol sa buhay ng mga ito.
KATHRYN gabi-gabing umiiyak kay Daniel
 
Inamin ni Kathryn Bernardo na hindi talaga na­ging madali para sa kanya at first na gawin ang pelikulang “Hello, Love, Goodbye” dahil unang-una nga ay iba ang kapareha niya – hindi ang boyfriend at ka-love team niyang si Daniel Padilla kungdi si Alden Richards na first time niyang makakatrabaho.
Pangalawa ay sa abroad pa nga ang shooting nito and the thought na magkakalayo sila nang ganito katagal for the first time ay talagang napakahirap na.
Sinabi raw niya ito lahat agad kay DJ just right after the meeting­ for the movie.
“Sinabi ko rin na kung tanggapin ko ‘to, medyo matagal mawawala kasi locked in po talaga kami du’n sa Hong Kong.
“So, hindi naging madali naman po. Mahirap para sa amin pareho kasi for 6, 7 years, kami ang magkasama sa trabaho, so kahit nagta-trabaho kami abroad, okay, kasi kayo ‘yung magkasama, eh,” pahayag ni Kathryn.
Although hindi naman ito ang unang movie ni Kathryn na hindi si DJ ang kasama niya dahil kailan lang ay ginawa niya ang “Three Words to Forever” with Sharon Cuneta and Richard Gomez at sa Ormoc sila nag-shoot.
Pero ani Kathryn, iba raw ngayon dito sa “Hello, Love, Goodbye.”
“Kasi, ‘yung ‘Three Words to Forever’, locked-in kami sa Ormoc, pero hindi po ganu’n katagal, tapos ‘yun, pumunta sya (Daniel), and more of family movie.”
Kahit malaking adjustment para sa kanila ni DJ ang pelikulang ito, lalo na raw sa boyfriend, all-out pa rin ang support nito. Sa first week nga raw ay iyak siya nang iyak gabi-gabi sa BF.
“Hindi siya nagkulang sa suporta. Na du’n ko siya lalong na-appreciate. Kasi, nu’ng first week ko, ‘yun ‘yung sinabi ko na umiiyak ako nu’n every night, gusto ko na magpa-book ng ticket pauwi, ayoko na tapusin ‘yung movie kasi hirap na hirap na ako.
“So, kausap ko siya nu’n every night. Tapos, nakikita niya kung ano ang nangyari sa akin. So, ang nangyayari, hindi rin siya nakakatulog dito kasi nag-aalala siya sa akin.
“So, sinabi na lang namin, basta mag-update-an parati ‘pag sa shoot. Eh kinonfiscate rin ‘yung phone ko. So, oh my God, paano kami mag-a-update?
“Lalo ‘pag mabibigat ang scene which is madalas, bawal ako… hindi ako masyadong nakaka-update sa kanya, so sabi niya, pupunta na lang siya,” kuwento ni Kathryn.
Hangang ngayon nga raw ay nag-a-adjust pa rin sila dahil nga nasa promo pa rin ang KathDen ng HLG at sila pa rin ni Alden ang para­ting magkasama.
“Pero ‘yung lesson lang siguro na natutunan ko, ‘yung trust. ‘Yung sinasabi ko lang parati sa kanya, tiwala, ‘yun lang, ‘kasi, nahihirapan din akong magtrabaho kung mabigat sa loob mo,’ ganyan.”
Nakita naman daw ni DJ na wala siyang dapat ipag-alala especially nu’ng ma-meet nito si Alden, plus kasama pa niya ang Mama niya sa Hong Kong and nandu’n din naman siyempre si direk Cathy Garcia-Molina.
“So, ‘yung naging challenge lang po sa amin ay ‘yung matagal na magkahiwalay. Ay, super-hirap! Ayun, supportive siya, all-out siya rito sa movie,” sey ni Kath.
Wala kaming nasagasaang tao — Alden
 
Ikinuwento naman ni Alden na nagkikita naman daw sila before pa ni Daniel sa mga event pero ang talagang official meeting nila ay nu’ng nagpunta raw ito sa tent niya while shooting the film.
“Hindi po sa Hong Kong. Hindi po kami nagkita do’n, nagkita pero nagkahiyaan po kami, siyempe, may ganu’n po talagang instance.
“Mabait po si Daniel. Talagang nag-congratulate siya, kinongratulate niya ‘yung pelikula at nagpasalamat po siya na inaalagaan ko rin po si Kathryn.
“So, parang ang gaan lang po ng pelikula, kasi, wala po kaming nasagasaang kahit na sinong tao rito.
“And masaya po kaming nagawa ‘yung pelikula and natapos po namin ‘yung pelikula nang peaceful. Very peaceful set,” sabi ni Alden.
Sobrang proud ang aktor sa HLG kung saan ay ginagampanan niya ang papel na Ethan na isang OFW (overseas Filipino worker) at nagtatrabaho bilang isang bartender sa Hong Kong.
“Hindi na po kami makapaghintay na mapanoood n’yo kasi, maganda po talaga ‘yung nagawa ni direk Cathy sa amin,” sambit pa ni Alden.