Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Richards napasilip ng abs

0 187

Sa Amerika nagdiwang ng kanyang ika-30th kaarawan si Alden Richards last January 2. Matatandaang bago mag-Pasko ay lumipad ang Asia’s Multimedia Star patungong USA for a much-needed holiday break.

Sa kanyang Instagram post ay ipinakita ni Alden ang kanyang simpleng birthday celebration.

“Grateful for 30 fruitful years. Thank you for all the greetings. GOD has always been so good. 🙏🏻 P.S. First birthday salubong ko pala to. Hahaha,” caption ni Alden.

Sa mga larawan na ipinost ni Alden ay balot na balot ang aktor pero siyempre, super-gwapo pa rin. Kaya naman marahil naisip niyang pasayahin ang kanyang mga fan dahil kahapon ay nagpa-abs siya sa kanyang bagong post.

Nag-post si Alden kahapon ng mga bagong larawan na naka-topless siya at kitang-kita ang kanyang mga abs.

“Discipline is the key…” ang maikling caption ni Alden.

Sabihin pa, kinilig nang bonggang bongga ang mga fan ng aktor at super-happy sila sa pasabog ng kanilang idol.

Kahapon sa Eat Bulaga ay nakasama ng mga Dabarkads si Alden via video call at dito ay ibinahagi ng aktor ang kanyang birthday wish.

“Ang wish ko po ay sana mag-enjoy na tayong lahat at sana mawala na talaga ang Covid at mabawasan po ang mga pasaway. Simulan natin ng may positivity ang 2022,” ani Alden.

At bilang bahagi ng kanyang birthday celebration, inanunsiyo ni Alden na tutulong siya sa pagpapagawa ng bahay ng ilang mga residenteng nasalanta ng bagyong Odette na choices sa “Bawal Judgemental.”

“Dahil naman po birthday ko rin ngayon, siyempre naghahanap din po ako ng paraan para makatulong sa mga dabarkads nating naapektuhan ng bagyo. E, babakas din po ako ng konti, tulong po sa lahat ng mga choices natin sa Bawal Judgemental ngayon.

“Para po sa pagpapatayo ng kanilang mga bahay galing po sa akin so thank you po sa Eat Bulaga for this opportunity para ma-rehabilitate po at maitayo nila ang mga tahanan nilang nasalanta ng bagyo,” pahayag ng aktor.

Maxene dinaan sa Boracay ang kalungkutan

Sa pagsisimula ng taon ay bumungad agad sa atin ang balitang hiwalay na si Maxene Magalona at asawang si Rob Mananquil dahil nga napansin ng mga netizen na inalis na ng aktres ang apelyido ng asawa sa kanyang IG account.

Wala pa namang kinukumpirma ang mag-asawa tungkol sa tsikang ito pero sa mahabang post ni Maxene last January 2, mababakas mo na may pinagdadanan siya. Pero ang maganda sa aktres, pinipilit niya pa ring magpaka-positibo.

Nag-post si Maxene ng larawan niya habang nagme-meditate sa dagat at aniya, nagpunta raw siyang solo sa Boracay as a gift to herself to feed her sad soul.

“Soul feeling low? Then you gots to go solo 😎 Silence and solitude are some of the best remedies for the soul especially when we are struggling with anxiety and depression. I used to run away from uncomfortable feelings and drown myself in alcohol hoping that they would dissipate on their own. I had to learn the hard way that negative emotions don’t just magically vanish. If we do not face and release them, they get buried in our chest and upper back which become stagnant energies that create blockages in our energy pathways. This is why no matter how much we try to change our thoughts, behavior and attitudes, our energy will keep us falling back to our old ways because the unhealthy patterns are still within.

“This is where God steps in. By surrendering to the Divine and trusting that God will help you heal your soul, things will start falling into place and you will begin finding your own true, authentic alignment.

“Now that my trip has come to an end, I can say with God-fidence that booking this solo vacation was one of the best decisions I had ever made in my life. I used to come here to get wasted. Now, I came back to accept my past, practice being present and trust that God is in control of my future. Past and future are not even here. The only thing that matters is the present moment.

“Booking this trip as a gift to myself was definitely the best way I could honor my sad soul. I knew I wasn’t feeling my best during the holidays so instead of sulking at home, I thought—why not cry in Boracay and allow the ocean to absorb my tears? Why not run under the sun every morning to get some much-needed vitamin D? Why not meditate and breathe with God in nature so that I can feel with every fiber of my being that I am never alone because His perfect love sustains me?

“Please stop asking me why I am happy and peaceful despite experiencing personal struggles and start praying to God to bless you with the same kind of inner peace that He has been giving me ever since I surrendered myself to His divine plan,” ang mahabang pahayag ni Maxene.

Leave A Reply

Your email address will not be published.