Abante Tonite Interactive

Richards tinangging madalas tawagan si Kathryn

0 504

Nagsalita na ang “Hello, Love, Goodbye” lead actor na si Alden Richards sa mga isyung pinupukol sa kanya at sa co-star na si Kathryn Bernardo.

May intriga kasing kumakalat na madalas umanong tinatawagan ni Alden si Kathryn, kahit tapos na umano ang taping sa pelikulang pinagsamahan nilang dalawa. Maging ang pagkakapareho ng kanilang suot ay nabigyan ng malisya rin.

Mariing itinatanggi ng aktor ang mga balitang kumakalat tungkol sa kanila ni Kathryn.

Nabasa umano niya ang tungkol dito at malinaw na binibigyang-malisya maging ang pagkakaterno nila ng damit ng aktres.

Hiling niya na huwag ito bigyan ng kahulugan dahil malaki ang respeto niya sa relasyon ni Kathryn at ng kasintahan nito na si Daniel Padilla. (Ronaline Avecilla)