Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ricky ‘inabuso’ ng sariling ama

0 670

Palaban, walang takot sa hubaran ang Mister Global Philippines 2019 na si Ricky Gumera.

Sumabak na siya sa showbiz at unang pelikula niya ang ‘Anak ng Macho Dancer’. Mapaghamon ang kanyang role bilang si Kyle na inabuso ng sariling ama. Gaganap siyang anak ni Jay Manalo.

Ano ang reaksyon na tinatawag siya na bagong Totoy Mola?

“Sobrang nakakatuwa kasi Jay Manalo ‘yan,eh!Trademark niya ‘yan. Pag binansagan kang bagong Totoy Mola, pabor sa akin ‘yan. May maipagmamalaki naman ako! Makikita niyo sa movie,” sey niya sabay tawa.

Okey lang ba ‘yung dati ay Mr. Global Philippines ang title niya tapos ngayon ‘Totoy Mola’ na?

“Ay, okey lang sa akin kasi iba na itong pinasok ko,eh,” tugon ng talent ni Meg Perez under Megamodels Events and Talent Management.

“Ang laki po talaga ng adjustment ko sa pag-aartista na galing sa pageant. Kasi nga wala akong experience sa acting. Fulfillment sa akin ‘yung role na binigay ng Godfather Productions. Challenging, markado ,” dagdag pa niya.

Kumusta ang experience niya na makatrabaho sina Jaclyn Jose, Jay Manalo, Emilio Garcia?

“Masaya . Marami akong natutunan.Ang madalas kong kaeksena po ay sina Ms. Jaclyn, Sir Jay, Sir Emilio. Si Sir Allan Paule po hindi ko nakaeksena pero nakakasama ko sa set. Si Ms. Rosanna Roces, hindi ko talaga nakita.

“Si Ms. Jaclyn sinasabi niya ‘wag mong aktingin, normal ka lang. Ganoon din sabi ni Sir Emilio maging natural lang.

“Ang mabibigat kong eksena kay Jay Manalo. Sobrang humanga ako nang mapanood ko siya. Grabe bigay todo si Sir Jay. Sobrang idol ko talaga.Nakita ko kung paano siya umarte ,” pakli niya.

Tinuruan din daw siya ni Jay ng secret kung paano manakal na hindi ka masasaktan.

Baguhang aktor nagdidil ng asin

Makulay ang buhay ni Ricky Gumera bago naging Mister Global Philippines 2019 at pumasok sa showbiz. Puwedeng ma-feature ng Magpakailanman at Maalaala Mo Kaya.

Laking squatter si Ricky sa Cavite. Inalagaan siya ng kanyang lolo’t lola na buong pag-aakala niya ay mga magulang niya. Inabandona siya noon ng kanyang ina .

11 silang magkakapatid na iba-iba ang tatay (may 3 doon iisa ang ama). Pang-apat siya. Pinamigay at pinaampon ‘yung iba.

Hindi raw niya nakilala ang kanyang ama.kahit daw ang nanay niya hindi na alam kung ano ang pangalan ng father niya.

Nu’ng bata pa siya nabuhay sila sa paglalaba ng kanyang lola. Labandera raw ito ng mga squatter.

Naranasan din ni Ricky na mag-ulam ng asin. Hahalauan daw nila ito ng tubig para maging sabaw.

Mula elementary hanggang high school kandila ang gamit niya sa pag-aaral dahil wala silang kuntador.Pumapasok daw siya noon kahit walang baon. Basta’t bago raw siya umalis ay makakain siya ng tirang kanin.

Pagkatapos daw niyang mag-grade 6 ay pumasok siya sa karinderya.Naging tagahugas ng pinggan, taga-palengke. Naglinis din siya sa babuyan, nagluluto ng kaning baboy. Umabot din daw siya ng isang taon.

Nagtrabaho din daw siya sa junk shop ng anak ng ninang-tita niya, nagkokolekta ng mga kalakal. May softdrinks business din daw dun kaya nagde-deliver siya. Nagugulat daw ang mga taong nakakakita sa kanya dahil nagbubuhat siya ng mabibigat sa murang edad. ‘Yung isang case ng softdrinks binubuhat niya. Binabayaran naman daw siya at pinag-aral.

Nakapagtapos siya ng kursong BS Marine Transportation dahil sa pagiging scholar. Varsity player kasi ng volleyball sa PMMS Las Pinas at sumasayaw rin daw siya ng ballroom.

Si Ricky ay 21 years old, may taas na 5’11.

Pageant King , ramp and commercial model siya bago napasabak sa ‘Anak ng Macho Dancer’.
Sa hirap na dinanas ni Ricky ay sumusumpa siya na hindi siya kumapit sa patalim .

“Marami pong nagpaparamdam before na gay pero nandiyan na po ‘yung tita-ninang ko na nasandalan ko before. Siya ang sumusuporta sa pag-aaral ko bukod sa scholarship ko,” pakli niya.

BINIGYAN NG HOUSE & LOT NG PRODUCER

Samantala, nanlumo, nanlambot ang Godfather Productions producer na si Joed Serrano at ang kanyang manager na si Meg.

Dahil dito, binigyan agad ni Joed ng bonus si Ricky na house and lot para makalipat kasama ang pamilya nito. Ibabawas na lang ito sa share niya pag kumita ang ‘Anak ng Macho Dancer’. Nangako kasi si Joed na divided by 6 ang lahat ng kikitain ng naturang pelikula sa mga bagets niyang artista. Pang-anim siya sa partehan.

Ang unang kita ni Ricky sa ‘Anak ng Macho Dancer’ ay nag-share siya ng 20% para sa church. Pinakain din niya sa labas ang kanyang pamilya .

Nakatakdang magkaroon ng premiere night ang ‘Anak ng Macho Dancer’ sa December.Posible ganapin ito sa UP Film Center para uncut version ang mapanood. Sinuportahan ito nina Jaclyn Jose, Allan Paule, Jay Manalo, Emilio Garcia at Rosanna Roces. Ito ay sa direksyon ni Joel Lamangan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.