Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ricky, Miko lumala ang giyera kay Joed

0 415

ROMMEL PLACENTE: Ang haba ng buhok ng mega producer na si Joed Serrano, huh? Pinag-aawayan kasi siya ng dalawa sa cast ng Anak Ng Macho Dancer na sina Miko Pasamonte at Ricky Gumera.Hindi kasi nagustuhan ng huli ang pagtawag ng Babe ng una kay Joed.

Kaya naman ang ginawa ni Miko, ay nag-blind item sa kanyang Facebook account.Sabi niya,”Masyado kang epal..Wala kang pake kung babe ang tawag ko sa kanya.O baka naman gusto mo kaw ang tawagin kong babe? Bakla ka ba? Tamaan wag magagalet.”

Nang mabasa ito ni Ricky,sa comment section ay sinabi niya na “Tol mukhang malaki ang problema mo” Hanggang magkasagutan na ang dalawa. O di ba? Kung wala lang jowang pulis si Joed,posibleng patulan niya na lang pareho ang dalawang sexy actor para hindi na pag- awayan ang beauty niya.

Pero mga ka-Cuatros,hindi kaya may pagtingin na rin si Ricky kay Joed kaya nagagalit siya na tinatawag ni Miko na babe ang dating aktor? Nagseselos kaya siya? Di ba,sa mga past interview niya ay sinabi niya na posible siyang magkagusto o ma inlove kay Joed.Hindi raw kasi ito mahirap mahalin.O, baka naman may lihim silang relasyon ni Joed, hindi kaya? Na hindi naman alam ni Miko kaya tinatawag niyang babe si Joed.

Hirit ni Miko, kahit sa harapan ng jowang pulis ni Joed ay tinatawag niya itong babe.E baka naman, hindi rin natin alam na may lihim ding relasyon pala si Miko at Joed Baka naman kumekerengkeng pa rin ito.Ha!ha!ha! Pero hinuha ko lang naman ito,huh! Siguradong takot naman sina Miko at Ricky sa jowang pulis ni Joed na kapag nabisto sila e baka barilin sila nito. Ha!ha!ha!

Si Joed talaga, kakaiba ang kamandag! Mabangis ang kanyang sex appeal,huh!

MILDRED BACUD: Nakakaloka nga ang isyu sa mga naggagawapuhang artista ng Anak Ng Macho Dancer. May sagutan na sa FB.May kanya-kanyang kampihan.Si Mhack Morales na umawaat lang ay nadamay na rin dahil sa pagkampi niya kay Ricky Gumera, samantalang si Charles Nathan ay kay Miko naman pumanig. Just in time na ipapalabas ang nasabing pelikula sa January 30 ha?Mas lalo tuloy marami ang maku-curios na panoorin ang world premiere nito sa KTX. Pag napanood kasi sina Miko at Ricky masasagot kung bakit at ano ang meron sa dalawa? Bakit pinag-aagawan ang producer na si Joed Serrano? Sa mga interview naman natin aminado si Joed na kung walang pulis sa buhay niya ay type niya si Ricky pero ang Miko kasi ang very open sa kanyamg feelings sa produ. Well, lets wait and see kung pagkatapos ba ng pelikula ay maging consistent pa rin sina Ricky at Miko sa nararamdaman nila kay Joed? Well, feeling ko start pa lamang ng maraming isyu kasi alam naman natin na maraming projects ang nakaline-up ang Godfather Productions sa kanila. Ang masasabi ko lang napakasuwerte nila sa pagkakaroon ng napaka-generous na producer tulad ni Joed.

RODEL FERNANDO: Hindi natin alam kung hanggang saan ang away na yan. Nalulungkot naman ako sa friendship nina Miko Pasamonte at Ricky Gumera. Naalala ko bigla ‘yung virtual presscon ni Miko na all praised siya kay Ricky nang kinuwento na napakabait daw nito. Tinulungan kasi sya na maglipat at mag-ayos sa bagong tinitirhan niya. Bukod dito, sabi pa ni Miko ay inilapit siyang muli sa Diyos ni Ricky dahil sinasama siya sa kanilang church. After all the loving and caring ay biglang nagkaroon ng pader sa kanilang magandang samahan. Nang dahil kasi ito kay Joed Serrano na mukhang nagkaroon ng selosan. Hindi kasi kumportable si Ricky sa sweetness at concern na ipinapakita ni Miko kay Joed. Para kasing lason sa pandinig ng binata ang pagtawag pa ng “Babe” sa dating aktor. Sa awayang ito ng mga lalaki sa pelikulang “Anak ng Macho Dancers” ay biglang nagkalamat ang maganda nilang samahan. Si Mhack Morales ay kumampi kay Ricky samantalang si Charles Nathan naman ay nasa panig ni Miko. Sa true lang, huwag na sanang makisali pa ang dalawang ito sa away nina Miko at Ricky. Asikasuhin na lang ang mga proyektong gagawin nila lalo na itong si Charles na malapit nang gumiling ang kamera sa pelikulang Kontrabida na makakasama ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.

ROLDAN CASTRO: Lumalala ang giyera nina Ricky at Miko sa Facebook. Nandoon tawagin ni Gumera na asal aso si Pasamonte.

Pati ‘yung private message nila pinagpipistahan na rin dahil nag-post din si Miko.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sagutan pa nila sa Facebook: Ricky Gumera : “Oh.. Grabe ka may pag post kapa talaga sa ng Convo natin.. Tol mag isip ka… Na drain naba yang utak mo…. Kaka tawag ng babe kay Mr. P?”

Miko: “Ricky Gumera nadrain kna din ba sa tind ng selos at inggit?”

Ricky :”Wala akong ingit sa katawan at selos sa katawan ko. Dapat pag usapan natin to in private tol…..”

Miko :”Ricky Gumera dapat talaga at wag behind my back.”

Kahit ang mega producer na si Joed Serrano ay umaawat na sa kanila.

“Hoy tigilan nyo na yan para kayong 8yrs old sa mga asta nyo. Para sakin pantay pantay kyo. All for 1, at 1 for all tayo. Pero aaminin ko sa inyo sadyang maganda itong ganito kasi dto nasusubok ang tibay ng friendship nating lahat. Mag ayos na kyo ok. Lahat kyo SPECIAL CHILD para sakin,” komento ni Mr.P.

Mabuwag kaya ang SWAT Boys (tawag sa grupo nila) dahil sa awayang ito?

Ano ang mangyayari pag nagkita-kita sila sa birthday ni Mr. P sa January 21?

Anyway, mas excited ako na mapanood ang uncut version ng movie nila na ‘Anak ng Macho Dancer” sa KTX, 9pm to 11 pm sa January 30.Dun magkakalaman na kung sino talaga ang daks sa kanila,no?

Pak!

Leave A Reply

Your email address will not be published.