Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ricky, Miko nagkabati na

0 204

ROMMEL PLACENTE:Nakakatuwa namang malaman na nagkabati na ang dalawang cast ng ‘Anak Ng Macho Dancer,’mula sa Godfather Productions na sina Ricky Gumera at Miko Pasamonte.

Ang mega producer na si Joed ang pinag-awayan ng dalawa. Nagselos umano si Ricky sa pagtawag ni Miko ng babe kay Serrano.

Nagkabati sila dahil dati naman silang close .Itinuring nilang pamilya ang isa’t-isa mula nang magkasama at magkatrabaho sila sa nasabing pelikula.

Pero sana nga ay talagang okey na sila, at hindi sila nagpaplastikan lang. ‘Yung kunwari lang ang kanilang pagbabati Napansin kasi namin during ng grand presscon ng Anak Ng Macho Dancer, na kahit magkatabi ang dalawa sa presidential table during the question and answer portion, ay hindi naman sila nag-uusap.

Dapat lang talaga na ma-patch-up ang differences kina Miko at Ricky.Kailangang good vibes lang, dahil magkasama nga sila sa Anak Ng Macho Dancer.

RODEL FERNANDO: Iyun din naman ang inaasahan natin ang magkabati sina Ricky at Miko.

Ka-Cuatros Rommel sa presscon ng Anak ng Macho Dancer ay kitang-kita ko na nag-uusap na sila. Bago pa man ang presscon ay magkasama silang pinuntahan si Nora Aunor para magpa-picture. Katatapos lang kasi nun ng storycon ng aktres para sa pelikulang Kontrabida na same venue lang.

All’s well that ends well ika nga . Sa totoong magkaibigan ay hindi puwedeng hindi mangyari ito. Masaya kami for Miko and Ricky at sana ay huwag nang maulit ang awayan sa Facebook. Hindi maganda sa kanila lalo pa’t sa social media sila nagbangayan at nagparunggitan.

SM food to go Banner Ad

Well, basta ako watch ako ng movie nila na showing na sa January 30 sa KTX. Bukod kina Ricky, Miko at Mhack ay aabangan ko ang favorite kong si Charles Nathan. Mag-book lamang online sa www.KTX.ph. Mabibili rin ang tiket sa Ticketnet, Ticketworld.

MILDRED BACUD: Nagkaroon kami ng pagkakataong makausap si Miko Pasamonte after ng presscon. Sa isang banda bumilib din kami sa kanya dahil sa pag-amin niya na may pagkakamali siya sa nangyaring hidwaan sa kanila ni Ricky.

Sabi niya, ” Kasalanan ko rin kasi ,masyado akong nago-ovr react sa mga bagay -bagay. Pinalaki ko lang ‘yung isyu. Pero na-reakize ko rin naman na mali. Sobrang touched ako kay Ricky na ako na nga yung nag-over react siya pa yung nag-effort puntahan ako at makipag-ayos. Nagkayakapan kami at humingi ako ng pasensya.”

Naintindihan na rin daw niya ang pinupuntong payo sa kanya ni Ricky na kung kasama nila ang jowa ni Joed na pulis. Hindi nga naman maganda na tawagin niya itong’babe ‘.

Inamin ni Miko na may ugali siyang mag-over react sa bagay-bagay. Tulad na lamang ng akala niya ay tatanggalin na siya sa pelikulang Anak Ng Macho Dancer, ‘yun pala ay kasama pa rin siya pero hindi na lead role.

ROLDAN CASTRO: Naku, mukhang pagkatapos ng ‘Anak ng Macho Dancer’ may bagong rivalry na mabubuo
Kasi sa dami ng proyekto na nakaplano, paramihan sina Ricky Gumera at Charles Nathan.
May next project pa sila na ‘Kontrabida’.

Si Charles ay pang-matinee idol ang dating dahil sa kaguwapuhan. Si Ricky naman ay bagong hunk.
Pareho rin silang ipo-prodyus ni Joed Serrano na pelikula na sila ang bida.

Of course, di naman pababayaan ng Godfather Productions sina Mhack Morales at Miko Pasamonte.

Anyway, makakabili na rin sa Ticketnet at Ticketworld para sa digital premiere ng ‘Anak Ng Macho Dancer’ sa January 30, 9PM to 11 PM sa KTX.PH
Pak!

Leave A Reply

Your email address will not be published.