Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ricky nilandi ng aktor

0 216

ROMMEL PLACENTE: Marami talagang mga aktor natin na lalaking lalaki ang dating,brusko pero closet queen pala. Pag tumagal ay nagladlad na.

Gaya ng isang dating sexy actor noong 90s.Paborito siyang kuning leading man ng mga sexy star. ‘Yun pala ay isang bading.

In fairness sa kanya,guwapo at sexy siya talaga noong kanyang kabataan.Kaya nga pinasok niya ang paggawa ng sexy films.Marami ang nagpapantasya sa kanya noon,sa pag-aakalang tunay siyang lalaki. Marami siyang natanso, ha!

Nu’ng lalaki pa siya ay naging dyowa niya ang isang tv host.

Nakatikiman din niya ang isang aktor naman ay may edad sa kanya.Ngayon ay kinikilala na siya bilang isang mahusay na aktor. Nakawala na ito sa pagiging sexy star. In-demand pa rin ito sa paggawa ng pelikula.

‘Yung isa namang nahada niya umano ay nakasama niya dati sa isang show at sa mga sexy movie.Gaya niya ay guwapo rin ito noong kanyang kabataan.Hindi na kami nagtaka na nakatikiman niya ito dahil ang pagkakaalam namin ay game talaga ito sa pagpatol sa members ng ikatlong lahi. Marami pa tayong kilalang mga bading sa showbiz na hanggang ngayon ay tago pa rin ang tunay na pagkatao.Hindi pa rin nila kayang magladlad.Paano kasi yung iba ay sikat.Baka natatakot sila na mawalan ng proyekto once umamin sila sa tunay nilang identity.

MILDRED BACUD: Marami talagang ganyang kuwento sa showbiz mga ka-Cuatros. Naalala ko tuloy ang gwapong sikat na aktor no’n na talaga namang pinagnasaan ng mga kabadingan. Yung isang gay na host iba rin magregalo sa kanya, personal refrigerator at appliances. Hindi naman kasi minamasama ng gwapong aktor ang pagreregalo ni gay host dahil generous naman talaga ito pero nung sunud-sunod na ay napaisip din siya kaya naman dumistansya na rin.

Isa pang gay na nanligaw sa kanya ay super rich na businessman. Dahil kilalang mahilig sa negosyo si aktor, ipinatawag ng una ang huli .Pumunta naman ito knowing na business ang pag-uusapan. Laking gulat na lamang ni aktor na binigyan kaagad siya ng tseke. Pero dahil mayaman si gwapong aktor, hindi niya ito pinag-interesan at sinauli ang tseke. Ang nakakalokang part ay nang malaman ng businessman na magkamag-anak pala sila ng gwapong aktor. Kaya naman daw nahiya ito.

RODEL FERNANDO: Madalas sa mga tambayan sa beauty parlor ay pinag-uusapan ‘yung mga paminta o mga berdeng dugo na mga aktor. Sa totoo lang, napakarami ng ganyan at naiinlab or pinagnanasahan pa ang kapwa nila aktor. Tulad na lang nitong young actor na natatakam sa kapwa nya bagets actor. As in, nagkaroon daw sila ng relasyon at shock to death ang kabaklaan sa tsismis na ito. Hindi raw nila akalain na berde ang dugo ni guwapong aktor. Sabagay, katakam-takam kasi ang sinasabing nakarelasyon niya. Bukod kasi sa matangkad ay to die for din ang katawan at hinaharap.

Isa pa, ito namang dating aktor ay pinagpapantasyahan naman ang kilala at machong aktor. How true nagkatikiman na raw ang dalawa dahil madalas silang magkasama ngayon.

Sa true lang maraming miyembro ng ikatlong lahi ang nababaliw sa machong aktor. Pero may tsismis na pumapatol daw talaga ito sa bading lalo na noong kabataan niya.

Panghuli, nawindang ako sa isang aktor dahil alam kong hindi ito pumapatol sa gay. Naloka ako na may edad pa ang pinatulan niya na sikat at kilala sa showbiz. Sabagay, may tsika na ma-elya raw si aktor at ginamit niya ito para makuha ang gusto niya. Marami raw siyang napakinabangan sa sikat na personalidad. As in, nakakalula ang halagang pera at properties.

ROLDAN CASTRO: Naku may bagong pinagpapantasyahan ngayon ang mga bading at matrona. Siya ay si Ricky Gumera na gumanap na Kyle sa ‘Anak ng Macho Dancer’. Ang baguhang aktor na parang Nora Aunor ang paggana ng mata sa acting.

Isang actor-TV host ang nag-PM sa kanya ng hubad niyang larawan.

Sey ng actor, sherap, sherap.

Sumagot naman daw si Ricky ng ‘bad’

Buwelta ng aktor-tv host, “Bakit bad? Sarap , sarap nga.”

Obvious na nilalandi ng aktor si Ricky.

Anyway showing sa KTX.PH ngayong Feb 5 to 7 ang‘Anak ng Macho Dancer’ .P169 pesos ang presyo ng tiket.

100% din na kasado na ang sanib puwersa ng Godfather Productions ni Joed Serrano at ng Viva Films para sa launching movie ni Ricky na Ang Bagong Totoy Mola.
Abangan!

Leave A Reply

Your email address will not be published.