Abante Tonite Interactive

Ricky Razon ipinain sa bitcoin scam

0 783

Nakaladkad ang pangalan ng bilyonaryong si Enrique ‘Ricky’ Razon sa isang scam matapos gamitin ang pangalan nito sa online ad ng Bitcoin Revolution.

Bukod kay Razon, ginamit din ang pangalan ng online editor ng ABS-CBN na si Lynda Jumilla-Abalos para makapanghikayat ng mga nais mag-invest sa bitcoin.

Sa kanyang Twitter post, agad na itinanggi ni Jumilla-Abalos ang pagkakadawit ng kanyang pangalan sa online ad ng Bitcoin Revolution na nagsasabing kay Razon diumano ito at kumita na siya dito.

Kahit na sa kanyang palagay ay walang maniniwala dito, nagbabala pa rin si Jumilla-Abalos sa publiko.

“No one in his right mind will believe this, but let me warn everyone anyway: I have nothing to do with this bitcoin thing, and this online ad is misusing my name,” tweet ni Jumilla.

Ang gimik pa ng raket, ayaw raw ipalathala ng kanilang kompanya ang interview niya kay Razon hanggang sa sinubukan ito ng online editor na si Jumilla-Abalos, na isang 53-anyos na tatay ng dalawang anak na namatayan ng mi­sis kamakailan lang.

Nag-tweet sa kanya ang ilan niyang follower at tinanong siya kung kailan pa siya naging tatay.

Hirit ni Raymond samson @monsamson, “Father po pala kayo ma’am.”
Tweet pa ni cindyg aka Starshadow Rivaulx @Starshadow, “Ok. Since when did you turn into a father?”

Si Jumilla ay broadcaster sa ABS-CBN at ang description niya sa kanyang sarili sa kanyang twitter account ay “journalist by day, fangirl by midnight, supermom and wonderwife, 24/7.” (Eileen Mencias)