Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ricky, Sean agawan sa Anak ng Macho Dancer

0 842

Maingay sina Sean de Guzman at Ricky Gumera para sa title role ng ‘Anak ng Macho Dancer’.

Kanino raw mapupunta ang role bilang anak nina Allan Paule at Jaclyn Jose? Sila ang tampok sa classic 1988 film ni Lino Brocka na “Macho Dancer.”

Ngayon pa lang ay merong team Sean at team Ricky.

Bagamat lima umano ang pinagpipilian pagkatapos ng audition, maingay at malakas ang bulung-bulungan na sina Sean at Ricky ang nag-aagawan sa title.

Nagkaroon na rin daw ng rehearsal sa isang gay bar para malaman kung sino talaga ang magsa-shine sa kanila.

Parehong may K sina Sean at Ricky dahil baguhan, guwapo, marunong sumayaw at may hugot sa pag-arte.

SM SuperKidsDay Banner Ad

After Neil Perez, Ion Perez na titlero sa pageant, si Ricky na ang susunod sa kanila na magso-showbiz.

Siya ang Mister Global Philippines 2019,21 at may taas na 5’11.Graduate siya ng BS Marine Transportation, seaman, pageant king , ramp and commercial model. Hawak siya ng Megamodels ni Meg Perez.

Bagay siyang anak ng macho dancer dahil kakulay ni Jaclyn Jose.

Si Sean ay miyembro ng sing and dance boy group na Clique V. Hawak siya ng 3:16 Events and Talent Management ni Ma’am Len Carillo.Unang pelikula niya ang ‘Lockdown’(dinirek ni Lamangan at executive producer ang kaibigan naming si Jojo Barron). Isa si Sean sa “Video Call Boys” sa nasabing pelikula na mapangahas ang ginawa.

Puwede rin siyang maging anak ng macho dancer dahil may hawig kay Allan Paule.

Abangan ang rebelasyon sa Miyerkules. Sino ang bibida sa prodyus na pelikula ng mega producer na si Joed Serrano? Ito ay sa ilalim din ng direksyon ni Joel Lamangan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.