Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ricky umarte ang mata sa mga kritiko

0 232

Bagamat may frontal nudity si Ricky Gumera sa pelikulang ‘Anak ng Macho Dancer,” napansin din ang kanyang mga mata sa pag-arte. Karamihan ay ito ang nakita ng mga nakapanood ng naturang pelikula.

Bilang baguhan pinuri ang acting niya ng mga movie press, blogger at ordinaryong netizen.

Sa mga naglabasan sa iba’t ibang pahayagan at komento sa Facebook, ibinigay nila ang honest nilang review sa pag-arte ni Ricky.

Nakakataba sa puso na hindi sila diniktahan at kusang puna ang ibinigay nila sa acting ni Ricky.

Proud ang mega producer ng Godfather Productions na si Joed Serrano sa mga nababasa .Lalo siyang ginanahan na iprodyus ang launching movie ni Gumera na ‘Bagong Totoy Mola’ . Sanib-puwersa na sila ng Viva Films sa proyektong ito bukod sa ‘Matinee Idol’ na pagbibidahan naman ni Charles Nathan.

Todo naman ang pasasalamat ng manager ni Ricky na si Meg Perez ng Megamodels Events and Talent Management sa positibong rebyu sa alaga.

Malaking factor ang tips na binigay ng best actress na si Ruby Ruiz sa limang oras nilang workshop.

“Tumatak sa isip ko ‘yung inner line na sinabi ni Tita Ruby. Kahit hindi mo pa sabihin, tatakbo sa utak mo…na parang ‘yung mata mo na ang magsasabi sa act. Iniisip ko ‘yung arte ko sa eksena, hindi ko namamalayan ‘yun ang lumalabas na expression sa mata ko kaya ang laki ng tulong sa akin ni Tita Ruby,” deklara ni Ricky.

“Ang lakas ng dating ni Ricky Gumera sa Anak ng Macho Dancer. Mata pa lang umaarte na kahit walang dialogue. Promising at maganda ang role bilang Kyle. Puwede siyang makilala bilang totoong artista.

Narito pa ang mga naglabasang reaksyon sa pag-arte ni Ricky.
“Nadagdagan na naman tayo ng mga artistang bagong mamahalin.At isa na nga si Ricky Gumera.maituturing na unang sabak sa pelikula pero nagpamalas ng husay sa aktingan at nakipagsabayan sa malalaking artista.Totoong bagong mukha dahil tunay na unang sabak sa mundo ng pelikula. Pero nagkaroon agad na ng tatak na malaki ang potensiyal na magiging totoong malaking artista.”-Fernan de Guzman

“Mahusay umarte ang mga baguhan. Ang isa sa kanila ay nagpakita ng ekspresibong mga mata”-Dondon Sermino-

“He had this remarkable way of getting viewer’s attention through his eyes, less dialogue. He relied not on dialogue but on body movement.”-Josh Mercado

“Mahusay si Ricky dahil mata pa lang ay nangungusap na, considering na first time niyang umarte.”-Reggee Bonoan

“Kapansin-pansin naman ang pag-angat sa pag-arte ni Ricky na tama ang tinuran ni Joed Serrano, producer ng Anak ng Macho Dancer na nangungusap ang mga mata. Kaya tiyak na malayo ang mararating nito.”-Maricris Valdez

“Isa sa nagustuhan namin ay si Ricky Gumera. Maganda ang rehistro niya sa screen at ramdam mo siya kahit hindi nagsasalita sa kanyang mga eksena. Kaya niyang gamitin ang mata niya sa pag-arte. Winner ang kanyang facial expression.-Rodel Fernando

“PARANG lalaking Nora Aunor ang baguhang actor na si Ricky Gumera.Malakas at maganda ang rehistro sa screen.Artistang-artista ang dating niya at kahit wala pang dialogue, mata pa lang umaarte na at basang-basa mo na ang gusto niyang ipahiwatig sa eksena na traits ni Nora na mata pa lang umaarte na.

At kahit baguhan, hindi ito nagpatalbog sa aktingan sa mga mahuhusay at veteran stars na sina Jaclyn Jose at Jay Manalo. Nagawa pa rin nitong mag-shine sa bawat eksenang naroon siya.-John Fontanilla

“May mga eksena siya roon na walang dialogue, pero ang mata niya ang pinagana niya, ang umaarte.Para siyang si Nora Aunor pagdating sa aktingan. Isa siguro sa dahilan kung bakit mahusay na aktor si Ricky, ay dahil may pinaghuhugutan siya.”- Rommel Placente

“Congrats! He’s a very promising actor, the camera loves his face and he has a very expressive eyes .Sana more projects for him in the future.” – Gracee Bongolan

“Ricky Gumera, another new face in this film captured the MYSTERY, the suspense, the drama in all of the most important scenes of this movie that delivered much highlight and almost stole-away the attention from Sean. He was so beautiful in his frontal nudity scene as he posed so provocatively and ecstatic in ways and feelings.”- Robert Silverio

“Ricky Gumera as Kyle in “Anak Ng Macho Dancer” passed with flying colors!

May lalim ang pag-arte at may mahuhukay pa para maging isang mahusay na aktor. Umangat at nabigyan ng justice ang karakter. A leading man material in the making! Isang rebelasyon si Ricky .Marami siyang ginulat at winner ang mala -Nora Aunor acting niya. Walang dialogue. Puro emosyon. Ang galing niya sa eksena nila ni Jay Manalo.Isa siyang malaking sorpresa sa taong ito.”-Boy Romero

“Congrats to him! Malalim syang gumanap sa role! Sana mabigyan nya ng justice ang launching nya sa Totoy Mola! Bilang nagalingan ako sa kanya bilang Kyle sa anak ng macho dancer! Ang husay ng kanyang characterization!”-Mikee Navarro (Former TV showbiz reporter)

“I must say, after watching the movie, Ricky Gumera undeniably is a Big Revelation!

Unang eksena palang nya na bumababa sa hagdan, napa ‘WOW’ na talaga ako dahil sa impressive acting nya, the gesture and the eyes, sabi nga nila ‘mala-Nora Aunor’!The stardom for a new Actor has just begun!”-Joey Austria

“Malalim ang mga mata ni Ricky Gumera sa maraming eksenang walang dialogue.”-Mildred Bacud

May lalim ang acting at kakaiba ang screen presence ni Ricky Gumera.Kung siya man ang lalabas na Anak ni Totoy Mola, hindi ako magtataka kung maging award-winning actor din siya tulad ng Urian awardee na si Jay Manalo. “- Archie Liao

Ang Anak ng Macho Dancer ay mapapanood sa KTX.PH ngayong February 5 -7. Tampok din sa pelikula sina Sean de Guzman, Jay Manalo, Jaclyn Jose, Allan Paule,Rosanna Roces, Emilio Garcia, Miko Pasamonte, Charles Nathan, Mhack Morales. Ito ay sa direksyon ni Joel Lamangan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.