Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rico pinalit ni Maris kay Inigo

0 1,271

Hindi magkamayaw ang kantiyaw na natatanggap ni Maris Racal sa mga netizen at sa mga kapuwa niya celebrity.

Ito ay kaugnay ng sweet messages nila ng dating Rivermaya member na si Rico Blanco sa isa’t-isa.

Nag-post kasi sa kanyang Instagram ang aktres ng solo picture ni Rico.

Makikita rin ang video ng duet ng dalawa habang feel na feel ang pagkanta ng sikat na love song ng Aqualung.
Sa naturang video, mapapansin din ang kanilang extra closeness sa isa’t-isa.

May makahulugang caption pa ang kanyang post na may kalakip na smiley na :”Hi, Rico, happy birthday.”
Nag-reply naman ang singer-actor na :”Hahaha love you!!!”

Hindi naman nakaligtas sa panunukso si Maris kay Rico kasama na ang kaibigang si Alex Gonzaga na nakasama niya noon sa PBB.

Sey naman ng mga netizen,may ipinalit na si Maris sa dating na-link sa kanyang si Inigo Pascual.

Matteo bantay sarado si Sarah

Masusi ang ginagawang paghahanda ni Sarah Geronimo sa kanyang nalalapit na Tala:The Film Concert. Isang one night exclusive online event na mapapanood simula sa Marso 27 sa isang streaming site.

Katunayan, maraming sorpresang production number ang nag-iisang Popstar Royalty kung saan nagsanay siya ng dance choreography kay Teacher Georcelle ng G-Force.

Sa rehearsal at film shoot ng nasabing concert, aminado si Sarah na hatid-sundo siya ng asawang si Matteo Guidicelli.

Bantay-sarado rin daw siya nito hindi lang sa Covid-19 kundi sa kanyang mga aktibidades. Lalo pa’t may mga buwis-buhay na stunts na gagawin ang singer-actress sa nabanggit na concert.

Ayon pa kay Sarah, ganoon daw ka-supportive ang kanyang mister sa kanyang karera.

Dagdag pa niya, espesyal daw sa kanya ang nalalapit na concert dahil ito nataon sa pagdiriwang niya ng kanyang ika-18 anibersaryo sa showbiz.

Samantala, maraming netizen ang nakapansin na tila lalong gumaganda si Sarah.

Ito ang ilan sa kanilang mga komento:

“She is more prettier now di na tipid all out na gastos for her. Even her clothes simple still but sophisticated na. Na enjoy na nya ang pinaghihirapan. Her aura is really at peace.”

“ Bakit ang super ganda nya, ang unfair ng life dahil ibinigay nya kang Sarah ang lahat. Those braces look good on her. Mas lalo syang bumata tingnan.”

Recently, pinag-usapan ang new look ni Sarah nang mapansin ng mga faney ang kanyang braces na ayon sa kanila ay bumagay sa Popstar Royalty.

Leave A Reply

Your email address will not be published.