Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rider, angkas na bebot bagsak sa P2M droga

0 97

Nahuli sa ikinasang buy bust operation ng mga tauhan ng Drug Enforcement Group (DEG) ang isang Angkas rider at sakay na babae matapos makuhanan ng aabot sa P2M halaga ng shabu kamakalawa sa Pasay City.

Nakilala ang mga suspek na sina Emmanuel Bartolome, 42, at Eliza Aurelio, 35, kapwa taga-Correa St., Barangay Baclaran, Parañaque City.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Inaresto ang dalawa bandang alas-11:45 Sabado ng gabi sa Roxas Boulevard, Pasay City matapos ang bentahan ng illegal na droga.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 300 gramo ng shabu na nagkakahalagang P2,040,000.00, 2 cellphone at buy bust money.

Nakakulong ngayon ang dalawa sa Pasay detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.