Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rider, angkas na tinedyer todas pag-overtake

0 93

NASAWI ang driver ng motorsiklo at angkas nitong menor de edad nang tumilapon at pumailalim sa isang truck sa Cavite.

Agad na namatay si Christian Bartolome, driver ng motorsiklo at backride nitong si EJ Santiago, 14 habang hawak na ng pulisya ang driver ng truck na si Robert Apat, 27, ng Tierranova, Caloocan City.

Sa ulat ni Pat John Paul Cruz ng Tanza Municipal Police Station, alas-5:00 kamakalawa ng umaga nang maganap ang insidente sa Brgy Amaya 2, Tanza, Cavite.

Sakay ang dalawa sa motorsiklong Suzuki Smash nang mag-overtake sila sa isang truck na minamaneho ni Apat.

Nawalan ng kontrol sa manibela si Bartolome dahil sa dinaanang bako-bakong kalsada kaya tumilapon ang mga ito at pumailalim sila sa truck na nagresulta sa kanilang kamatayan. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.