Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rider binangga, nagulungan ng wagon

0 254

NASAWI ang isang motorcycle rider nang banggain ng isang Wagon at nagulungan pa ng kanyang kanang hita sa Silang, Cavite Huwebes ng umaga.

Isinugod pa sa Ospital ng Tagyatay ang biktimang si Ponciano Cruzado, 49, ng Brgy Putting Kahoy Lian Batangas subalit namatay din habang ginagamot.

Hawak naman na ng pulisya ang driver isang Dodge Durango Wagon na may plakang UAO 285 na si Jessiah Dingcong, 50 , isang Personal Assistant, taga-Bel Air, Makati City.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ulat ni PSSgt Aries Mendoza ng Silang Municipal Police Station, dakong alas-10:15 kamakalawa ng umaga nang naganap ang insidente kung saan kapwa binabagtas ng biktima ang parehong kalsada sa Tagaytay-Sta Rosa Road, Brgy pasong Langka, Silang, Cavite

Minamaheo ng biktima ang kanyang motorsiklong Suzuji Raider na may plakang 977 DLD galing Tagaytay City patungo sa north direction sa Sta Rosa City habang ang suspek ay patungo naman sa South direction.

Pero pagsapit sa nasabing lugar ng tinangka ng driver ng Wagon na umiwas sa isang sasakyan kaya inokupahan ang kabilang linya kung saan paparating naman ang motorsiklo ng biktma. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.