Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rider dedbol sa dulas ng kalsada

0 179

DAHIL sa madulas na kalsada, patay ang isang binata matapos sumalpok sa isang konkretong pader ang minamanehong motorsiklo sa Brgy. Batal, Santiago City, Isabela noong Lunes.

Kinilala ng Santiago City Police Station (SCPS) ang biktimang si John Mark dela Cruz, 21, ng Barangay Divisoria, ng nasabing bayan.

Sa report, ayon sa SCPS, kalakasan ng ulan at basa ang kalsada habang binabagtas ng biktima ang kahabaan ng Barangay Batat patungong Barangay Divisoria.

Dahil dito, nawalan ng kontrol sa manibela ang biktima at humambas sa pader ng tindahan. Pumailalim si Dela Cruz sa signage board ng naturang tindahan.

Agad itong isinugod sa Southern Isabela Medical Center subalit idineklarang dead on arrival ng mga attending physician. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.