Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rider dedbol sa poste ng Meralco

0 300

NASAWI ang isang rider nang bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa poste ng Meralco sa Dasmarinas City, Cavite.

Kinilala ang biktima na si John Dejasco, nasa wastong edad, ng Brgy Hugo Perez, Trece Martires City, Cavite na dead on the spot.

Sa ulat ni Par Norman Guerra, ng Dasmarinas City Police Station, alas-10:00 kamakalawa ng gabi nang maganap ang insidente kung saan binabagtas ng biktima ang kahabaan ng Governor’s Drive sakop ng Brgy. Langkaan 1, Dasmarinas City, Cavite.

habang minamaneho ang

Galing sa Pala-pala patungo sa direksiyon ng Trece Martires ang biktimang sakay ng kanyang Kawasaki Fury na may plakang 9059 DS pero pagsapit sa Brgy Langkaan 1, nang pumihit ito pakanan sa shoulder road ay aksidente itong bumangga sa poste ng Meralco.

Sa lakas ng impact, hindi na ito dinala sa ospital at namatay noon din. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.