Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rider dedbol, utol sugatan sa poste

0 39

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 52-anyos na lalaking rider habang sugatan naman ang kanyang kapatid nang bumangga ang kanilang motorsiklo sa isang kongkretong poste habang binabagtas ang palikong kalsada sa Naic, Cavite Biyernes ng hapon.

Kapwa isinugod sa San Lorenzo Ruiz Hospital sina Elizar Perocho y Morente, 52, may-asawa, at Sopicio Perocho y Gidano, 50, binata, parehong residente ng Brgy. Bucana Sasahan sa Naic, subalit hindi na umabot ng buhay si Elizar.

SM food to go Banner Ad

Sa ulat ni Staff Sergeant Richard Atienza ng Naic Police Station, base sa CCTV footage malapit sa lugar ng insidente, minamaneho ni Elizar ang motorsiklo at angkas ang kapatid.

Habang binabagtas nila ang palikong kalsada sa Brgy. Timalan patungo sa direksiyon ng Maynila dakong alas-2:45 ng hapon ay nawalan ng kontrol sa kanyang manibela si Elizar at bumangga sila sa kongkretong poste.(Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.