Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rider dedo sa tractor, angkas na bebot kritikal

0 113

Pumanaw ang isang rider habang inoobserbahan ang kanyang angkas nang magulungan sila ng isang tractor head matapos rumampa ang motorsiklo sa center island at tumilapon sa ilalim ng truck sa Carmona, Cavite, Huwebes ng gabi

Isinugod pa sa Carmona Hospital ang mga biktimang sina Ruel Banaag, 36 at backride niyang si Larabeth Anaga, 28, subalit idineklarang dead-on-arrival ang nauna.

Samantala, nasa kostudiya na ng pulisya ang driver ng isang Isuzu tractor head na may plakang RBU 713 na si Samuel Dagondon, 51.

Sa ulat ni P/SSg. Charles Vitudez ng Carmona Police Station, dakong alas-11:35 kamakalawa ng gabi nang maganap ang insidente kung saan kapwa binabagtas ng mga driver ang northbound ng Governor Drive patungo sa direksiyon ng General Mariano Alvarez nang pagsapit sa Brgy. Maduya ng nasabi ring bayan ay rumampa ang minamanehong motorsiklo ni Banaag sa center island ng kalsada.

Dahil dito, kapwa tumipalon sina Banaag at Anaga sa gitna ng kalsada at pumailalim ang katawan nila sa tractor head na kanilang kasunuran. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.