Abante Tonite Interactive

Rider inagawan ng motorsiklo, pinatay pa

By
2,666

Isang 31-anyos na lalaki ang nasawi matapos barilin ng riding-in-tandem at tinangay pa ang minamanehong motorsiklo ng biktima sa Quezon City nitong hapon ng Huwebes.

Namatay noon din sanhi ng isang tama ng bala sa kaliwang dibdib mula sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril ang biktima na kinilalang si Michael Joseph Evangelista, residente ng No. 568 Tagaytay St., Barangay 129, Caloocan City.

Sa inisyal na imbes­tigasyon ni PO3 Marlon dela Vega, ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, naganap ang krimen dakong alas-kuwatro ng hapon sa harap ng gusali ng Truck Trend sa Bonifacio Avenue, Brgy. San Jose.

Abante Hiring – IT dep

Ayon sa nakasaksi sa krimen na nakilalang si Abel Arevalo, paparada pa lang ang biktima nang sumulpot ang mga suspek na magka-angkas sa isang motorsiklo na walang plaka.

Tinutukan ng mga suspek ang biktima at pilit na pinababa sa motorsiklo pero pinaharurot nito ang kanyang sasakyan. Hinabol siya ng mga suspek at nang maabutan ay agad na pinaputukan.

Nang duguang bumagsak ang biktima ay mabilis na sinakyan ng isa sa mga suspek ang kanyang motorsiklo at magkasunod na tumakas ang mga ito.