Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rider inararo ng 10-wheeler truck

0 126

Nasawi ang isang rider nang araruhin ang kanyang minamanehong motorsiklo ng isang 10-wheeler truck na may tractor head sa Imus City, Cavite, Lunes ng gabi.

Hindi na nadala pa sa ospital ang biktimang si Pedro Olaso Jr., ng Barangay Malagasang 2-A, Imus City, dahil sa matinding pinsala sa ulo.

Kinilala naman ang driver ng Shacman Tractor Head na may plakang NCY 4414 na si Ardy De Andres, 36-anyos.

Related Posts

Sa ulat ni Pat. Gerald San Miguel ng Imus City Police Station, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo galing north patungong south direction habang binabagtas ang kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Barangay Palico 3 dakong alas-9:00 kamakalawa ng gabi nang araruhin ang kanyang motor ng isang 10-wheeler truck na minamaneho ni De Andres.

Lupaypay na bumagsak ang biktima sa kalsada at agad na namatay habang ang kanyang sasakyan ay patuloy na umandar palayo sa lugar. (Gene Adsuara)

https://i.ytimg.com/an_webp/iPvh0PeOLg4/mqdefault_6s.webp?du=3000&sqp=CLiEnYEG&rs=AOn4CLA8JigR4QhLaxzJrhM1DPNs0hzVeg

Leave A Reply

Your email address will not be published.