Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rider inisnab red light, sumalpok sa kotse

0 91

Nasawi ang isang motorcycle rider nang sumalpok sa kotse na minamaneho ng isang TNVS driver nang hindi huminto sa red signal ng traffic light sa isang interseksiyon, Lunes ng hatinggabi sa Tondo, Maynila.

Namatay noon din ang biktimang si Jon Rod Yngco, nasa hustong gulang, at naka­tira sa Torres Bugallon St., Tondo.

Sinampahan naman ng kasong reckless imprudence resulting to homicide ang suspek na si Edmundo Ate Jr., isang Grab driver at nakatira naman sa Brgy. Sta. Cruz, Antipolo City sa kabila na hindi naman siya ang bumangga sa motorsiklo.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District-Traffic Management Unit, naganap ang insidente, alas-12:58, kahapon ng hatinggabi, sa panulukan ng Jose Abad Santos Avenue malapit sa kanto ng Solis St. sa Tondo.

Nakita sa CCTV na mabilis ang patakbo sa motorsiklo ni Yngco at hindi huminto sa red signal ng traffic light sa natu­rang panulukan kaya diretso siyang sumalpok sa unahang bahagi ng kotse na minamaneho ni Ate.

Tumalsik pa ang biktima at saka bumagsak sa semento na dahilan ng kanyang agad na kamatayan.

Dinala ang bangkay ng biktima sa Dulce funeral service para sa awtopsiya at safekee­ping. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.