Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rider kinaladkad na, nangulungan pa ng van

0 96

NABANGGA na, nagulungan pa na nagresulta sa agarang kamatayan ng isang motorcycle rider na nadale ng isang Lite ace van sa may crossing sa Amadeo, Cavite Sabado ng umaga.

Namatay noon din si Chester De Leon, 33, ng Brgy Minantok West Amadeo, Cavite. Kinilala naman ang driver ng orange Lite Ace Van na may plakang TGE 714 na si Joie Granada, 35, ng Gen. Emilo Aguinaldo, Cavite.

Sa ulat ni PSSgt Alvin Balbuena, ng Amadeo Police Station, alas-9:00 kahapon ng umaga nang maganap ang insidente sa junction ng CM Delos Reyes at East West Road, Banaybanay, Amadeo Cavite.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Patungong East at papatawid sana sa junction ng CM Delos Reyes Ave ng nasabing barangay ang biktima subalit hindi nito napansing bago sumapit sa junction ay may crossing siyang madadaanan.

Dahil dito ay nabangga siya ng paparating na van kung saan bukod sa nakaladkad na ay nagulungan pa ng nasabing sasakyan na nagresulta sa agaran niyang kamatayan. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.