Rider na may angkas arestuhin – DOTr

849

Ipinaaaresto ng Department of Transportation (DOTr) sa Philippine National Police (PNP) ang mga motorcycle rider na may angkas.

Ayon kay DOTr Assistant Secretary Goddes Libiran, hindi nila pinapayagan ang pag-aangkas sa mga motorsiklo sa buong Luzon habang naka-lockdown bilang bahagi ng ipinatutupad nilang social distancing.

Binigyang diin ni Libiran na ang pagbabawal sa back ride sa buong Luzon ay epektibo noon pang Marso 16, kung kailan sinimulang ipatupad ng pamahalaan ang enhanced community quarantine upang masugpo ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Libiran, ang lahat ay dapat na sumunod sa mga panuntunan sa quarantine lalo na kung sila ay nasa labas ng kanilang tahanan o nasa kalsada.

“When you’re inside your own home, you’re free to do whatever you want or follow your own rules,” aniya.

Subalit kapag nasa labas na aniya ng tahanan at nasa kalsada o pampublikong lugar ay kinakailangang sumunod ng mga tao sa mga regulasyon at poliiya na pinapatupad ng gobyerno sa lahat.

Samantala, muli rin namang ipinaalala ni Libiran na maging ang paggamit ng tricycle ay bawal din kahit pa mga healthcare workerang ibibiyahe nito. (Dolly B. Cabreza)

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...