Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rider nag-overtake, yupi sa trak

0 110

Nasawi ang isang 36-anyos na rider nang magulungan ang katawan niya matapos mag-overtake sa isang truck sa Silang, Cavite, Huwebes ng hapon.

Agad na nalagutan ng hininga sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Descarten Ruel Reyes ng Brgy. Sto. Domingo, Sta. Rosa, Laguna habang hawak na ng pulisya ang driver ng isang truck na si Eldemer Dela Cruz, 41, ng Brgy. Aga, Nasugbu, Batangas.

Sa ulat ni Pat. Ralph Jayson Santos ng Silang Police Station, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo nang pagsapit sa Tagaytay-Sta. Rosa Road sakop ng Brgy. Puting Kahoy, Silang ay um-overtake siya sa isang truck na minamaneho ni Dela Cruz sa kanang bahagi ng kalsada dakong alas-3:28 kamakalawa ng hapon.

Subalit sa kanyang pag-overtake ay nawalan siya ng kontrol sa kanyang manibela, nahulog mula sa kanyang motorsiklo, at nagulungan ng kanang gulong ng nasabing truck na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.