Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rider naghuramentado, inaresto

0 47

Arestado ang isang rider matapos magwala at magtangkang pumalag nang arestuhin ng Dagonoy Police Community Precint kamakalawa sa Zobel Roxas St., San Andres Bukid Maynila.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Art . 155 of RPC (Alarms and Scandals) at R.A. 10591 (Illegal Possession of Firearms and Ammunition) si John Paul Torres, 23, sinasabing Grab Express Rider at taga-Blk 9, Lot 1, Salmon St., Dagat-Dagatan Caloocan City.

Naganap umano ang insidente alas-2:05 ng hapon.

Ayon kay PLT Reagan Ammen, nagsasagawa sila ng anti-criminality campaign sakay ng Mobile Patrol MC 166 nang mamataan ang suspek na sumisigaw, nagmumura at hinahamon ng away ang mga dumaraan.

SM food to go Banner Ad

Nilapitan ng mga pulis ang suspek at sinabihang kumalma.

Sa halip na sumunod ay pumalag umano ito dahilan para arestuhin.

Nang kapkapan, nakuha sa suspek ang isang .22 revolver na may 8 bala at apat pang bala sa kanyang sling bag. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.