Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rider nagulungan ng trak

0 231

Nasawi ang isang rider na nagulungan ng isang Isuzu Elf truck nang okupahan ang kabilang linya ng kalsada matapos nitong mabangga ang dalawang sasakyan sa Kawit, Cavite, Huwebes ng gabi. Isinugod pa sa Binakayan Hospital ang biktimang si Jay Maano Puerto, nasa wastong edad ngunit nasawi rin.

Sa ulat ni Pat. Troadio Balitaosan Jr., ng Kawit Police Station, alas-8:20 kamakalawa ng gabi nang maganap ang insidente sa Covelandia Road, sakop ng Brgy. Congbalay, Kawit. Nakahinto ang isang Toyota Wigo na may plakang NAP 8341 na minamaneho ni Louie Ann Gutierrez at isang motorsiklong Yamaha Mio na minamaneho ni Eugene Druce Guimalan nang banggain ng motorsiklong Honda Wave ang biktima.

SM food to go Banner Ad

Dahil sa pangyayari, nawalan ng balanse ang bikti-ma at inokupahan ang kabilang linya ng kalsada kung saan bumabagtas ang Isuzu Elf na may plate number na NUI 215 at minamaneho ni Rochelle Jimenez Ponla at magulungan ang biktima na ikinasawi nito.

Bahagya ring nasira ang sasakyan nina Gutierrez at Guimalan. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.