Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rider nairita sa trapik, namaril

0 69

Kritikal ang kondisyon ng 37-anyos na elf driver nang barilin ng nakaalitang kapwa driver ng motorsiklo sa Talavera, Nueva Ecija.

Sa ulat ni Police Major Roderick Corpuz nakilala ang biktima na si Ricardo Bandong, residente ng San Carlos, Pangasinan. Lumitaw sa pagsisiyasat na alas-10:45 ng gabi minamaneho ni Bandong ang kanyang truck, na may plakang WDZ 281, at nagkaroon ng away trapiko sa may Brgy. San Pascual, Talavera Maharlika Highway Road.

Tila hindi umano nakalusot o naka-overtake sa trak ang nairitang armadong nakamotorsiklo saka humantong sa pamamaril. Sa pagproseso ng Nueva Ecija Police Crime Laboratory Office sa pamumuno ni PMajor Eric Garcia ay nakarekober ng dalawang basyo ng bala para sa cal. 45.

Nagtamo ng tama sa ulo at ngayon ay comatose ang biktima sa Talavera General Hospital. Habang tinutugis pa ang tumakas na suspek. (Jojo De Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.